BAGO pa ma-bash at manega nang bonggang-bongga ay humingi agad ng tawad ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa madlang pipol.
May ipinagawa kasi sa kanya ang asawang aktres na si Ultimate Star Jennylyn Mercado para sa TikTok na hindi raw niya talaga matanggihan.
Ang tinutukoy ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actor para sa pelikulang “Green Bones” ay ang pak na pak ngayong “Bangkok Transformation” challenge na trending at viral sa social media.
“Sorry guys, sabi kasi ng asawa ko gawin ko daw ito,” ang caption ni Dennis sa kanyang TikTok video kung saan mapapanood nga ang pagkasa niya sa hamon ni Jennylyn.
Baka Bet Mo: Mga buhay na hipon nagtalunan sa boobs ni Ivana Alawi: ‘Oh, my God! Ano ba ‘to!’
Makikita sa video ang iba’t ibang transformation ng premyadong Kapuso actor mula Day 1 daw niya sa Bangkok hanggang sa umabot na siya ng one year.
At makalipas nga ang isang taon sa pananatili niya kunwari sa Bangkok, Thailand ay makikitang nakasuot na si Dennis ng pink wig with matching black sando na tinernuhan ng floral skirt.
Pakiusap naman ng aktor, huwag seryosohin ang kanyang bagong TikTok entry dahil nais niya lang magpasabog ng good vibes sa social media.
In fairness, mukhang natuwa at naaliw naman ang mga netizens sa nakakalokang paandar ni Dennis dahil so far, wala kaming nabasang pang-ookray at mga reklamo sa kanyang Bangkok Transformation” challenge.
* * *
Buong pagmamalaking iwinagayway ni Sparkle artist Skye Chua ang Philippine flag sa opening ng 2025 FISU Winter World University Games sa Italy.
Siya ang sole representative ng University of the Philippines (UP) at ng Pilipinas para sa nasabing competition.
Bago ang 2025 FISU Winter World University Games, nakamit ni Skye ang third place sa SEA Open Figure Skating Trophy noong nakaraang taon.
Ipinagmamalaki ni Skye ang pagkakataong magsilbing inspirasyon sa mga kabataang Pilipino at mag-representa ng bansa sa global stage.
Ang 2025 FISU World University Games ay ang ika-32 edition ng kompetisyong ito, na inorganisa ng International University Sports Federation at ginaganap tuwing dalawang taon.
Dati itong tinatawag na Universiade, at isa ito sa mga pinaka-pinapanood at inaabangan na multi-sport competition para sa mga student-athletes.