Working student naadik sa online sugal, baon sa utang: Mas madalas talo!

Working student naadik sa online sugal, baon sa utang: Mas madalas talo!

File Photo

NAGKABAON-BAON sa utang ang isang working student nang dahil sa pagkalulong sa usung-uso ngayong online sugal.

Sising-sisi ngayon ang nasabing estudyante na nag-share ng kanyang pinagdaraanan ngayon matapos maubos ang kanyang savings sa online gambling.

Sa Facebook page na “PESO SENSE” na may titulong “DON’T EVER TRY GAMBLING!”, inamin ng working student na natuto siyang magsugal dahil sa kanyang boyfriend. Nu’ng simula ay maliliit na taya lang ang ginagawa niya hanggang sa lumaki ito nang lumaki.

“I’m in debt now because I got addicted to online gambling. Boyfriend ko ang nag-introduce saakin ng online sugal last May 2024. Noong una 10-20 pesos lang ang pinapanglaro ko. Minsan nananalo pero madalas talo.

Baka Bet Mo: Alex Calleja umaming naghirap ang pamilya dahil sa sugal; nanay na-barangay dahil hindi nakakabayad ng renta sa apartment

“Tuloy pa rin ako sa paglaro hanggang sa naging greedy na ako at di na nakokontento sa kaonting panalo. Nagtaas ako ng cash in which is 100 pesos. Habang tumatagal mas nalululong ako,” simulang pagbabahagi ng female netizen.

Patuloy pa niya, “Hindi ko na namamalayan na mas malaki na yung talo ko kaysa sa panalo. Last November 2024, kinompute ko ang lahat ng talo ko & umabot yun ng 10k+. Sabi ko sa sarili ko tama na kasi sayang lang yung pera.

“Sadly mas lumala ang pagkaadik ko. November 2024-January 2025, malaki ang naipatalo ko. Yung dati na dyes o bente na cash in naging 1,000-2,000 na. Natatalo ako ng 2,000-5,000 sa isang araw,” rebelasyon pa ng working student.

Hanggang sa, “Natuto na ako mangutang sa loan apps na di ko naman ginagawa dati. Yung inutang ko sa loan, ipinapanglaro ko ulit. Ganon ang naging routine ko.

“Maglalaro, matatalo, mai-stress, mangungutang, maglalaro, matatalo at mangungutang ulit. In a span of two months sa tingin ko nasa 30,000+ ang naipatalo ko sa sugal. Wala akong mapagsabihan na nalulong ako sa masamang bisyo. Nakakahiya!

“Indeed nasa huli ang pagsisisi. Kung iisipin yung 40k+ na naipatalo ko malaking pera na yun para sa katulad ko na working student,” ang pag-amin pa niya.

“Nakakalungkot isipin na lahat ng pinagpaguran ko sa pagtitinda eh nawala na parang bula. Sana binili ko na lang yun ng mga gamit, ibinigay sa mga magulang kasu wala na.

“Kaya I suggest guys na wag na wag nyo ita-try na maglaro ng sugal. Promise masisira ang buhay ninyo. Sa una lang kayo nyan papapalanunin, sa huli ikaw ang malulugi dahil naubos ang pera mo naging miserable pa buhay mo,” paalala pa niya sa lahat ng nagbabalak na magsugal.

“Sa ngayon gusto kong ayusin ang buhay ko. May utang ako na nasa 38,000 na payable in 4 months. Sana makayanan ko ‘to. Para sa mga katulad ko na naadik sa sugal at pinipilit na bumangon kaya natin ‘toooo.

“Sa mga patuloy na naglalaro, itigil nyo na yan. Wala tayong mapapala sa pagsusugal. Magdudusa lang tayo sa huli.”

Narito ang mga reaksiyon ng netizens sa pinagdaraanan ng estudyanteng naadik sa sugal.

“For me kaya nga tinawag na bisyo kasi walang magandang maidudulot sa atin yun like sugal, alak, droga, inom etc. But good for you at maaga kang nagising. Sa una lang mahirap tigilan but with determination, malalampasan mo rin yan.”

“I tried SCRATCH ba yun, Bastia yung nilalaro sa gcash, someone introduced it to me and nawalan ako ng P300. Sa inis and hinayang ko never ko na inulit. Point is, its ok kung subukan mo yan. Whats not ok is if you do not have the control to stop yourself from drowning because of it.”

“I don’t really like into gambling, I mean I can play tong its but I have limit. Mga friends ko dito lagi nag aya ng casino or bingo sa casino and I say no kasi di ako nag eenjoy mga ganyan. You will win 3x but you will lose 15x, I view it just a waste of money. Ang amount na isugal ko, mas isesend ko pa pang Pinas pra mabili ng rice nila Mama at mga kapatid ko.”

“Dati nag oonline gambling din aq pero d nman umabot sa pagkaadik.. Inistop ko na… Kc Mahirap tlgang maadik sa sugal… Ikaw ang lugi at talo….. Kaya sna laging iicpn ang consequences bago mag start magsugal.”

“Of course nakaprogram ang mga apps na yan para magkapera sila, so big no. Hindi sila gagawa ng apps na yan kung sila ang matatalo. Dont ever use it.”

“Self control lang ang dapat mong gawin, sana maawa ka sa sarili mo dahil sa huli ikaw pa rin ang talo. Maaga pa pwede mo pang baguhin ang paging adik mo sa sugal. Desiplinahin at mahalin ang sariling pinaghirapan.”

Read more...