PARA kay Judy Ann Santos, isang dream come true ang pagkikita nila ng world-renowned chef at TV personality na si Gordon Ramsay.
Sa katunayan nga ay proud niyang ibinandera ang ilang moments, bilang naka-bonding niya rin ito sa meet-and-greet event ng iconic chef dito sa Pilipinas!
Ang celebrity mom ang isa sa celebrity guests ni Gordon, kasama ang food influencer na si Ninong Ry at sila ang sumabak sa mala-Masterchef challenge kung saan ay ibabandera nila ang sarili nilang bersyon ng Halo-Halo.
“It was Chef Juday’s honor to prepare her version of halo-halo for Gordon Ramsay to taste and know of,” saad sa Facebook page ng aktres.
Baka Bet Mo: Lumpia Queen nakaharap na finally si Gordon Ramsay: Challenge accepted!
Kasunod niyan ang ilang pictures na makikitang nag-uusap ang dalawa habang nagpe-prepare si Juday ng Halo-Halo.
“In action for Gordon Ramsay in Manila – our lovely Chef Judy Anne,” caption sa post.
Wika pa, “Preparing and conversing about a dish with Gordon Ramsay is a dream come true moment.”
Hindi rin nagpahuli ang bunsong anak ni Juday at Ryan Agoncillo na nalapitan din mismo si Gordon upang ibigay ang kanyang nakakatuwang obra.
“Our bunso, Luna bunny, made drawings of Gordon Ramsay’s famous comments,” proud na ibinandera sa FB.
May ipinost ding video si Judy Ann na nagpapirma pa si Gordon sa kanilang anak.
“Aw, Thank you Luna, I love that,” sambit ng sikat na chef kay Luna.
Para sa mga hindi aware, si Gordon ay ang sikat na chef na nagmamay-ari ng ilang Michelin-starred restaurants kabilang na ang Restaurant Gordon Ramsay sa United Kingdom at ang Le Pressoir d’Argent sa Bordeaux.
Bukod diyan ay may restaurant din siya sa Singapore, UAE, Japan, at siyempre, dito sa Pilipinas.