Lumpia Queen nakaharap na finally si Gordon Ramsay: Challenge accepted!

Lumpia Queen nakaharap na finally si Gordon Ramsay: Challenge accepted!

KUMASA ang tinaguriang “Lumpia Queen” na si Abi Marquez sa challenge ng British celebrity chef at restaurateur na si Gordon Ramsay.

Tuwang-tuwa ang mga fans at social media followers ni Abi nang sa wakas ay magkita na sila ng kilalang chef na si Gordon Ramsay sa naganap na meet-and-greet sa the Newport Performing Arts Theater, Pasay City.

Ibinandera ng content creator ang paghaharap nila ng sikat na chef at TV personality sa pamamagitan ng litrato at video sa kanyang social media account.

“Challenge accepted” para kay Abi ang hamon sa kanya ng celebrity chef na gawan niya ng lumpia version ang isa sa sikat na putahe sa kanyang Gordon Ramsay Bar & Grill restaurant — ang Beef Wellington.

Baka Bet Mo: #LumpiaKayoDiyan: Viral recipes with a twist ni ‘Lumpia Queen’

“CHALLENGE ACCEPTED @gordongram,” ang sabi ni Abi sa kanyang Instagram post ngayong araw, January 20.

Bukod pa rito ang ibinahaging video ni Abi kung saan mapapanood ang ginawa niyang preparasyon sa lumpia version niya ng Beef Wellington.

“WILL CHEF APPROVE? BEEF WELLINGTON LUMPIA, coming right up!” sabi pa ni Lumpia Queen.

Nag-reply naman ang celebrity chef kay Abi, “Still thinking about it! Well done Abi Gx.”

Sa isa pang IG video ni Abi, ipinakita ang pagkikita nila ni Gordon at ang pagtikim nito sa kanyang lumpia. At bongga! Nagustuhan ng celebrity chef ang niluto ni Abi at humiling ng isa pa!

Narito ang reaksiyon ng mga netizens sa paghaharap nina Abi at Gordon.

“Omggg!! you nailed it! fil here are proud of you!! “

“Ano pa bang hindi nalagay ni Abi sa lumpia? Congratss lumpia queen!!”

“Hinampas at pinalo palo lang naman ni Abi si Gordon! “

“SO PROUD OF U!”

Nakilala nang bonggang-bongga si Abi at binansagang “Lumpia Queen” dahil sa iba’t ibang recipe niya sa lumpia na naging content niya sa kanyang YouTube channel.

Read more...