SINIMULAN ni Maggie Wilson ang taong 2025 nang may magandang balita.
Inanunsyo niya kasi sa Instagram na ibinasura ng korte ang petisyong inihain ng kanyang dating mister na si Victor Consunji.
Ang petisyon ay naglalayong magpatupad ng Temporary at Permanent Protection Order sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) ng 2004, na pipigil sana kay Maggie na makipag-ugnayan o makita ang kanyang anak na si Conor.
Pinawalang-saysay ng korte ang alegasyon na may banta ang beauty queen sa mental at physical health ng kanyang anak.
Ang petisyon ay may kasamang mga testimonya, kabilang ang mula kay TV personality Marc Nelson na nag-claim na nasaksihan niya ang emotional stress ni Conor.
Baka Bet Mo: Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?
Ngunit sa kabila ng mga pahayag na ito, natuklasan ng family court na walang sapat na ebidensya upang suportahan ang mga akusasyon.
“Despite several testimonies including the likes of Marc Nelson, who testified on his knowledge on behalf of the petitioner Victor Consunji of how my son suffered emotional stress, anxiety, an annoyance due to me, were all denied by the family court of the Republic of the Philippines,” wika ni Maggie sa Instagram Stories.
Kasunod niyan ay ibinandera rin ng beauty queen ang bahagi ng desisyon ng korte: “The (social media) postings merely expressed the love and longings of a mother to her son who was separated from her. The respondent really missed her son, nothing more and nothing less.”
Dagdag pa ng korte, “There was no credible evidence to support a finding that Respondent (Me) committed psychological violence against her son. There is no reason to prohibit the Respondent from communicating with her son (C). As a mother, the respondent has the right and duty to communicate with her son.”
Bandang huli, ipinahayag ng celebrity mom ang kanyang pasasalamat sa presiding judge at sa Family Court para sa naging desisyon na binigyang-diin ang kahalagahan ng hustisya at katarungan.
“On behalf of all mothers going through something similar, I’d like to thank the Presiding Judge and the Family Court for seeing through what is right and just,” sey niya sa post.
Tinapos niya ang kanyang pahayag sa isang paghingi ng paumanhin: “I’d like to apologize for the behavior of my (ex) husband for yet again wasting the court’s valuable time.”
Magugunitang mahigit dalawang taon nang nangungulila sa kanyang anak na si Connor ang dating beauty queen na naka-base ngayon sa ibang bansa.
Hindi siya makabalik ng Pilipinas dahil sa nakaumang na warrant of arrest sa kasong isinampa ng estranged husband.