2 kaso ni Jay Sonza ibinasura ng korte pero mananatili sa kulungan dahil sa iba pang asunto
IBINASURA ng Quezon City Regional Trial Court ang dalawang kasong kinakaharap ng dating veteran broadcaster at news anchor na si Jay Sonza.
Ito ang kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ilang araw matapos mapabalita ang pag-aresto at pagkakulong ng beteranong journalist at komentarista.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera, base sa inilabas na resolusyon ng QC RTC Branch 100, dinismis na ang syndicated and large-scale illegal recruitment case laban kay Sonza.
Base sa ulat, ibinasura ng korte ang mga nasabing kaso dahil sa hindi pagdating ng mga complainant sa ilang naganap na hearing.
Ganito rin ang nangyari sa kasong illegal recruitment case na isinampa sa QC RTC Branch 215 laban sa dating news anchor.
Sa panayam ng GMA News kay Assistant City Prosecutor Joseph Seares, nagkulang ang mga “private complainants” sa pakikipag- coordinate sa kanilang tanggapan.
“Given the consent of the accused who is virtually present… and in view of the manifestation of the public prosecutor indicating lack of interest to prosecute this case, on the part of the private complainants, the motion of the defense is hereby granted,” ang bahagi ng nakasaad sa court order.
Ang nakalagay namang “provisionally dismissed” sa resolusyon ay nangngahulugang, “the case may be revived within two years if there is new evidence or reason to reopen it.”
Samantala, kahit na napawalang-sala si Jay Sonza sa mga nabanggit na kaso, mananatili pa rin siya sa kulungan dahil sa mga pending cases niya sa korte.
Kabilang na rito ang 11 counts of estafa sa QC RTC Branch 100 at isang libel case sa QC RTC Branch 77.
Nakatakda naman bukas, August 18, ang arraignment at pre-trial hearing sa libel case na kinakaharap ni Sonza sa RTC Branch 77.
Sa ngayon ay nananatiling nakakulong ang former news anchor sa Quezon City Jail – Ligtas COVID Center Quarantine Facility sa Payatas, Quezon City.
Related Chika:
Jay Sonza arestado sa kasong estafa at large-scale illegal recruitment, nakakulong ngayon sa Quezon City Jail
Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: ‘Naawa ako bigla sa mga anak at apo niya, wa echos…hindi ko sasabihing beh buti nga’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.