Philip Laude nagsampa ng write of habeas data laban kay Precious Larra Su

Philip Laude nagsampa ng write of habeas data laban kay Precious Larra Su

NAGHAIN ng petisyong writ of habeas data ang negosyanteng si Philip Laude laban kay Mae Larra Sumicad o kilala ng madla bilang si Precious Larra Su.

Ito ay may kaugnayan sa nangyaring paglalabas ng screenshots ni Precious ng screenshots ng umano’y palitan nila ng mensahe ng negosyante noong December 2024.

Ang mismong mga screenshots ay ibinahagi sa Instagram page ni Precious pati na rin ang larawan ng magkahawak kamay na lalaki at babae. Sinasabing si Philip raw ang lalaki habang si Precious ang babae.

Mababasa rin na tila intimate ang laman ng usapan ng dalawa na kung minsan ay may mga suyuan pa nga at pangako ng pagmamahalan.

Baka Bet Mo: Asawa ni Small Laude na si Philip Laude na-expose, may iba nga bang babae?

Sa kabila ng pag-viral ng naturang post ni Precious at ang pagturo kay Philip na umano’y kausap niya sa kanyang post ay walang naging tugon ang negosyante ukol rito.

Para sa mga hindi aware, ang naturang negosyante ay ang asawa ni kilalang vlogger na si Small Laude.

Sa kabila naman ng mga intriga ay makikitang magkasama pa rin naman na nag-celebrate ang mag-asawa ng Pasko at New Year.

May mga netizens rin na nakakita kina Philip at Small sa pampublikong lugar.

January 10 pa nang maglabas ng utos ang korte ng desisyon na magkakaroon ng pandinig para sa petisyon ng negosyante.

At ayon na nga sa ulat ng bilyonaryo.com ay naganap ang unang pagdinig hinggil sa reklamo ni Philip laban kay Precious.

Wala naman nang iba pang detalye na inilabas hinggil sa petisyong isinampa ng negosyante.

Ngunit sa ulat ng bilyonaryo.com ngayong Huwebes, January 16, 2025, nakasaad na naghain ng petisyon ng writ of habeas data si Philip sa Branch 160 ng Pasig Regional Trial Court laban kay Precious Larra.

Sinabi rin sa ulat na noon pang January 10 naglabas ng utos ang korte para magkaroon ng pagdinig para rito.

Ngayong araw, January 16, nakatakda ang unang pagdinig para sa writ of habeas data petition ni Philip laban kay Precious.

Read more...