Cristy kinontra si Darryl Yap: Ano’ng gusto mo, wasakin si Bossing?

Cristy kinontra si Darryl Yap: Ano'ng gusto mo, wasakin si Bossing?

Cristy Fermin, Darryl Yap at Vic Sotto

NAGSALITA na rin ang veteran host at entertainment columnist na si Cristy Fermin tungkol sa pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” ni Direk Darryl Yap.

Diretsahang sinabi ni Nanay Cristy na kontra siya sa pagsasapelikula ng kontrobersyal na buhay ng yumaong sexy star noong dekada 80 na si Pepsi Paloma.

Sa episode ng “Showbiz Now Na” nitong nagdaang Linggo, January 5, nabanggit ng beteranang manunulat at radio-online host na hindi niya suportado ang bagong pelikula ng direktor.

“Natutuwa ako sa kanyang mga atake paminsan-minsan. Pero this time, hindi mo ako kasama sa gusto mong palabasin.

Baka Bet Mo: Darryl Yap rumesbak kay Arnold Clavio: Sino ka para pangunahan ang MTRCB?

“Ano ang gusto mo, Direk Darryl? Ang wasakin si Bossing Vic Sotto dahil sa tagumpay ng ‘The Kingdom?’” pahayag ni Nanay Cristy.

Hirit pa niya, “Kahit pa magkababayan kayo sa Olongapo, wala kang alam. Anong sabi ko sa ‘yo? Bakit kailangan mo pa itong gawin? Ano ang iyong layunin?”

Naniniwala ang premyadong showbiz columnist na may limitasyon din ang paggawa ng mga proyektong tulad ng “The Rapists of Pepsi Paloma” lalo na kung may mga taong masasagsaan at malalagay sa alanganin.


“Meron tayong tinatawag na respeto sa ating kapuwa. Dapat nando’n pa rin ‘yon. Hindi nawawala,” sabi ni Nanay Cristy.

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang inilabas na teaser ng “The Rapists of Pepsi Paloma” — may mg kumokontra sa paggawa ng biopic ni Pepsi pero meron ding kumampi kay Direk Darryl.

Isa nga sa mga umalma ay ang nagpakilalang anak ng yumaong comedian na si Richie D’Horsie na makakasama nga sa kuwento ng buhay  ni Pepsi Paloma.

Sa isang Facebook post, minura ng isang Alexis John Reyes, na isa sa mga anak daw ni Richie (Ricardo Reyes sa tunay na buhay), si Direk Darryl.

Kalat na kalat na ngayon ang screenshot ng umano’y Facebook post ni Alexis John Romero kung saan inalmahan nga nito ang upcoming movie na “The Rapists of Pepsi Paloma”.

Kasali sa pelikula ang karakter ng pumanaw na tatay ni Alexis na gagampanan ng theater actor na si Andres Balano, Jr.. Ni-repost ni Alexis sa FB ang screenshot ng pagpapakilala ni Direk Darryl kay Andres bilang si Richie.

Mababasa sa caption ni Alexis, “(Nagmura). Patay na tatay ko nanahimik na. ano yan gagawan mo ng pilikula tatay ko wala kang permisyo saming pamilya ah (mura uli) tigilan nyo tatay ko.”

Kasunod nito, makikita naman sa Instagram story ni Alexis ang litrato ng isang law firm na kanyang pinuntahan para makipag-usap sa abogado hinggil sa paggamit ni Darryl Yap sa pangalan ng tatay niya sa pelikula nito.

Ang nakasaad sa caption, “Meeting muna Daddy Richie D’ Horsie ikaw na bahala sakin ah, lalaban ako para sayo hindi ako aatras ayoko bastusin ang pangalan mo Daddy.”

Read more...