ISA-ISANG sinagot ng controversial director na si Darryl Yap ang mga tanong at isyung ibinabato ngayon sa kanya sa pagsasapelikula ng buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.
Mula nang inilabas ni Direk Darryl ang teaser ng upcoming movie niyang “The Rapists of Pepsi Paloma” ay sandamakmak na batikos at pagpuna ang natanggap niya, partikular na sa mga tagasuporta ni Vic Sotto.
Nabanggit kasi ang pangalan ni Bossing sa naturang teaser na inalmahan nga nga ng mga fans and supporters ng TV at movie icon dahil matagal na raw nakabaon ang isyu kay Pepsi.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nilinaw ni Direk Darryl ang mga kontrobersyang bumabalot sa “The Rapists Pepsi Paloma” kabilang na ang mga nagsasabing isa lamang daw itong “diversion” para mailihis ang mga tunay na isyu sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Baka Bet Mo: Igan sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap: Malabong payagan ng MTRCB
“Pepsi and I—we are Olongapeños. But more than that, this story has haunted the public consciousness for decades.
“As a filmmaker who started out in social media, I don’t choose these stories; they choose me,” ang simulang paglilinaw ni Darryl Yap.
Patuloy pa niya, “Social media keeps resurrecting it, raw and unresolved, like an open wound. And when something keeps coming back like that, you realize—it’s not just a story, it’s a reckoning.
“I felt a responsibility to confront it, to dig into the truth, no matter how uncomfortable, and present it in a way that demands to be seen and felt,” aniya pa.
Sumunod dito ay binanggit naman ng direktor ang pangalan ni Bossing, “About Sir Vic Sotto, I’m not sure whether to offer an apology for his name being mentioned in the film.
“The truth, after all, is unapologetic. As a public figure tied to a public story, I believe there’s an understanding that stories like this will inevitably resurface.
“My role as a filmmaker isn’t to pass judgment or provoke—it’s to tell the story as it happened, with honesty and respect for the facts.
“I trust that those who will watch the film will see it for what it is: an attempt to shed light on a controversy that refuses to be forgotten.
“I respect my fellow artists, I respect the pillars of the industry, but what I respect most is the Truth in my heART,” ang kabuuang post ni Direk Darryl Yap.
Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pa ring iniisyung official statement si Bossing o ang sinuman sa kanyang kampo. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng iconic TV host-comedian.