LUBOS ang pagpapasalamat ni Chito Miranda sa Diyos dahil kasama niya ang buong pamilya, lalong-lalo na ang kanyang misis na si Neri Naig sa pagdiriwang ng Pasko.
Magugunitang inakala ng marami na sa Pasay City Jail magha-holiday ang aktres dahil non-bailable ang kinakaharap niyang syndicated estafa case matapos arestuhin sa Pasay City noong nakaraang buwan.
Noong November 30, nagbayad ng piyansa ang celebrity mom para sa isang pang kinahaharap na 14 counts of violation of Securities Regulation Code sa halagang P1.7 million.
Kasunod niyan ay pinaaga ang arraignment at pre-trial ni Neri base sa kautusan ng korte na imbes January 9, 2025 ay ginawa ito nitong December 11.
Sa Instagram, masayang ibinandera ni Chito ang family picture nila sa kasagsagan ng Christmas day.
Baka Bet Mo: Neri Naig bakit nga ba kabilang sa Top 10 ‘Most Wanted Persons’?
Pagbati ng bokalista, “Merry Christmas mula sa Miranda Family.”
“Maraming, maraming salamat, Lord, for always taking care of us. Thank You po kasi never Niyo kami pinabayaan,” patuloy niya.
Pagbabahagi pa ni Chito, “Sobrang ramdam namin yung pagmamahal Mo sa amin through the people You have chosen to surround us with. Pinakita Mo sa amin na inaalagaan Mo talaga kami sa pamamagitan ng aming mga pamilya, mga kaibigan, at lahat ng mga taong nagmamahal sa amin.”
Ayon sa singer, ang kanyang pamilya at mga kaibigan ang pinakamahalagang regalo na natanggap niya sa Diyos.
Sa comment section, maraming fans ang nagpahiwatig ng kanilang pagkatuwa at suporta dahil kumpleto sila sa Araw ng Pasko.
“Masaya kami that your family is complete this Christmas. God bless your heart, Neri and God bless your family.”
“Glad to see Ms. Neri again! [red heart emoji] Merry Christmas po and God Bless your Family!! [Santa Claus, gift emojis].”
“Praise God complete family, Merry Christmas indeed [folded hands, red heart emojis].”
“Merry Christmas Miranda family…namayat si Ms. Neri siguro na-stress pero ganda pa rin.”
Dahil sa mga naging kaso ni Neri, siya ay nakasama sa listahan ng “Most Wanted Persons” sa Southern Police District.
Paliwanag ni PMAJ Hazel Asilo, ang Public Information Office Chief ng SPD, ito ay dahil sa dami ng counts, sa laki ng piyansa, at bigat ng kaso na isinampa sa aktres.