PASKONG-PASKO, iniinis ng ilang netizens si Ellen Adarna kaya tila gigil mode ulit siya sa social media kamakailan lang.
Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang latest family picture nila ngayong Christmas Day.
Ang caption lamang diyan ng celebrity mom ay isang Christmas tree emoji.
Ngunit imbes na maging tahimik ang pagdiriwang ng Pasko ni Ellen ay tila sinira na ito ng ilang epal na netizens.
Baka Bet Mo: Ellen rumesbak sa nanglait kay Derek: Hindi rin bagay sa ‘yo makialam, bakit ganda ka?
Kagaya na lamang ng isa na pinansin pa ang ipinatong na emoji sa mukha ng baby girl ng aktres: “Why cover the babe face [woman shrugging emoji]”
Ang simpleng sagot ng aktres, “To avoid evil eye.”
Sumang-ayon naman diyan ang isa pang IG user: “That’s true baka mausog pa [laughing emoji].”
Hindi pa riyan tumigil ang basher at ang sumunod na pinuna ay ‘yung suot ng mister ni Ellen na si Derek Ramsay.
Makikita kasi sa picture na nakasuot ng kulay red sina Ellen at ang dalawang anak, pero ang naiiba ay ‘yung sa aktor.
Tanong ng isang netizen, “Why couldn’t Derrick at least dress in red [thinking face emoji]”
Hindi na nagustuhan ng celebrity mom ang pangingialam nito, kaya tuluyan nang nag-init ang kanyang ulo.
Ang sabi niya sa epal na basher, “Paskong pasko omg nangingialam kaa!!! F*ck off”
Magugunita noong Oktubre, ginulat ni Derek ang madlang pipol matapos ibalita na nanganak na pala ang kanyang misis sa first baby nila.
Dahil sa nangyari, may mga nagsasabing sinadya ito ng mag-asawa upang sorpresahin ang marami.
Ngunit ito ay agad na nilinaw ni Ellen: “Hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and ‘di ko naman tinatago.”
“When I go out, crop top ako kahit malaki tiyan. I just didn’t announce because I don’t need to,” paliwanag ng misis ni Derek.
Wika pa niya, “I want a quiet and peaceful pregnancy.”
“Last thing I need are opinions from people I don’t know and unsolicited advice,” aniya pa.