Trina Legaspi proud sa natanggap na Christmas gift: I’m gonna be a mom of two!

Trina Legaspi proud sa natanggap na Christmas gift: I’m gonna be a mom of two!

PHOTO: Instagram/@trinalegaspi

MUKHANG matatagalan pa bago tumanggap ng acting project ang aktres at dating “Goin’ Bulilit” star na si Trina “Hopia” Legaspi.

Kasabay kasi ng bisperas ng Pasko, proud na ibinalita ni Hopia na magkaka-baby ulit sila ng mister na si Ryan Jarina!

Ang good news ay ibinandera mismo ng aktres sa isang Instagram post, kalakip ang picture nila ng kanyang asawa at panganay na anak na si Kaela.

Caption niya, “Soon to be 4 [pregnant, smiling face with heart emojis].”

Baka Bet Mo: Trina Legaspi bilang first-time mom: Araw-araw talaga ‘kong umiiyak

Kasunod niyan ay ipinakita ng celebrity mom ang holiday pictures nilang pamilya na todo flex din sa hawak niyang ultrasound ng second baby.

Pag-amin ni Hopia sa IG, “Still can’t believe I’m gonna be a mom of two! [heart hands, shocked face emojis].”

Aniya pa, “Sorry for flooding, we’re just so grateful! [folded hands, smiling face with hearts emojis].”

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang bumati sa mag-asawa, kabilang na riyan sina Melissa Gohing, Diana Zubiri, Dasuri Choi, Chie Filomeno, at marami pang iba.

Kung matatandaan, taong 2021 nang ikinasal sina Hopia at Ryan na ginanap sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City.

Kwento ng mister ng aktres, doon ginanap ang wedding bilang pagtupad sa wish ng namayapa niyang lolo at lola na magpakasal sila sa simbahan.

Taong 2023 naman nang ibinahagi ng celebrity mom ang panganganak niya sa first baby nila ni Ryan na si Kaela.

Napagtanto raw ni Hopia na perfect timing ang pagdating ni Kaela sa buhay nila ng asawa, lalo na nang malaman niya na mayroon siyang PCOS (Polycystic Ovary Syndrome).

“Sabi ng OBGYN, ‘Ah, swerte pala kasi nagka-baby agad.’ So sabi ko talagang right time talaga siya ni Lord. Okay na rin na nandyan na si Kaela, sobrang blessing talaga siya for us,” sey niya.

Read more...