4TH runner-up sa kauna-unahang Mister Universe pageant ang ating pambato na si Markki Stroem!
Ang grand finals ay ginanap sa The Fonda Theater sa Los Angeles noong Lunes, December 23, oras ng Pilipinas.
Sa Instagram, proud na inanunsyo ni Markki ang kanyang achievement sa nasabing kompetisyon.
Bukod sa pagiging 4th runner-up, humakot din siya ng parangal na kung saan ay iniuwi rin niya ang Best in National Costume at Best in Talent awards!
“Happy to have represented the ‘Pearl of the Orient’, the Philippines! I am so deeply sorry, I guess, sometimes nerves take over [single tear emoji,” caption niya sa post, kalakip ilang pictures niya during the pageant.
Baka Bet Mo: Markki Stroem nagsalita na kung ano ang tunay na relasyon kina Marvin Agustin at Piolo Pascual
Mensahe pa niya, “I would like to say a big thank you to my designers! @albert_andrada for this magnificent white suit! I will be thanking my designers one by one in the coming days!”
“Maraming salamat Pilipinas! Maraming salamat sa suporta na binigay niyo sakin! Nakakataba ng puso! Now time for a little well deserved rest [red heart, folded hands emojis],” aniya pa.
Sa comment section, marami ang very proud sa na-achieve ni Markki, lalo na’t ni-represent niya ang ating bansa.
“Thank you and Congrats Markki you represented PH so well! We are so proud of you! Labyu [red heart emoji]”
“You did great and made us proud! Congratulations @markkistroem [part popper emoji]”
“Huge Congratulations @markkistroem!!! We are so proud of you! Thank you for representing our country [Philippine flag, hearts emojis]”
“You did great and made us proud! Congratulations @markkistroem [party popper emoji]”
Ang top winner sa Mister Universe 2024 ay si Patrick Callahan na kinatawan ng Ireland.
Ang first runner-up ay si Cormac Murphy na pambato ng USA, second runner-up naman si Yusuf Hendratno ng Indonesia, at third runner-up si Xavier Rodriguez ng Dominican Republic.