SASAGUTIN na ng singer-songwriter na si Denise Julia ang kontrobersiya sa pagitan niya at ng celebrity photographer na si BJ Pascual.
Pero mukhang kailangan pang mag-antay ng fans at mga Marites dahil maglalabas daw siya ng pahayag sa mismong Araw ng Pasko.
“Dec. 25th on my ig stories! paused on the socmed break. I have to clear this up [smiling face emoji],” sey niya sa isang X (dating Twitter) post.
Mensahe pa niya sa followers, “merry xmas [emoji].”
Baka Bet Mo: Denise Julia nag-‘socmed detox’ muna; BJ Pascual gigil na gigil sa singer
dec 25th on my ig stories! paused on the socmed break. i have to clear this up. 🙂
— denise julia ♡ (@denisejvlia) December 23, 2024
Kasunod niyan ay ni-repost niya ang komento ng isang netizen na ang sabi ay, “She gonna give us the screenshots I’m so here for it [smiling face with heart eyes emoji]”
Mukhang may inihandang mga resibo ang dalaga upang linawin ang kumalat na isyu at para malinis ang kanyang pangalan.
— denise julia ♡ (@denisejvlia) December 23, 2024
Sa comment section ng kanyang posts, mababasa na iba-iba ang naging reaksyon ng netizens.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Te araw ni Lord ‘yun, aagawan mo pa spotlight”
“Can’t wait to hear what you have to say on Christmas Day.”
“Pwede ba sa 26 nalang? Inagawan mo pa si Jesus [sad face emoji]”
“Always here to support ya mother!”
“Hobby mo talaga paghintayin mga tao when you can just do it anytime now”
“Love you Denise! I’m with you!”
Magugunitang naging usap-usapan sa social media ang singer matapos ibunyag ni BJ ang pagiging “unprofessional” nito sa isang podcast episode.
Inilarawan pa nga ng photographer si Denise Julia na “worst person to shoot” na biglang nagkansela ng kanilang shoot day before at hindi nagbayad ng expenses, lalo na ang cancellation fee.
“After that, I never heard from her. No thank you, no sorry, no anything. No, what happened. Nothing,” saad ni BJ.
Kasunod niyan ay inanunsyo ni Denise Julia na magpapahinga muna siya sa social media at babalik na lang next year.