John Arcilla napamura sa patuloy na taas-presyo ng bilihin sa Pinas

John Arcilla napamura sa patuloy na taas-presyo ng bilihin sa Pinas

NAPAMURA ang internationally-acclaimed actor na si John Arcilla dahil sa napakataas na presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng kanyang X account, nag-post ang aktor ng kanyang hugot hinggil sa patuloy na pagtaas ng mga basic commodity o pangunahing pangangailangan ng mga Pinoy.

Sabi ng premyadong aktor, kung siya nga raw na medyo malaki ang kinikita sa pag-aartista ay naloloka na sa presyo ng mga bilihin kaya paano pa kaya ang mga ordinaryong mga mamamayan?

Hirit ni John, “Hindi ako nagyayabang na mas mataas ang kita ko sa average na wage earner at sa mas MARAMING PILIPINO.

Baka Bet Mo: John Arcilla may pasaring kay Anthony Jennings: ‘May kabastusan ‘yung motibo’

“Pero PUNYETA ang taas na ng bilihin ngayon ng BASIC COMODITY sa palengke,” ang pahayag ng veteran actor.

Patuloy pa niya, “Mga 5-6 years ago yung 3-4 na libo pang 1 linggo na kasama na du’n ang GULAY,  ISDA at KARNE. (1,500 na gulay PAMALENGKE, 1,500 na isda at karne) Ngayon pamalengke ng isang linggo 8-10 thousand pesos.

“Kumikita ako ng mataas sa karaniwan. PERO NALULULA NA AKO SA GASTOS. PAANO PA YUNG SIMPLENG MAMAMAYAN? Kala ko ba TITINO NA TAYO? Ano na?” ang saad pa ni John.

Maraming netizens ang sumang-ayon sa kanya hinggil sa problemang taas-presyo sa Pilipinas, narito ang ilan sa mga nabasa namin sa social media.

“Umasa ka pa sa mga nakaupo at naihalal ng taong bayan.  Inuna Ang pangungulimbat.  San ka pa.”

“Same sentiments. Wala nangyayari sa sahod. Hindi na makaipon.”

“Sir John, di na po kc mga public officials and servants ang mga  naka upo, kundi isang napakalaking sindikato ng mga scammers, magnanakaw ng kaban ng bayan.”

“A grocery basketful of food items will cost 2,000-2,500 now.”

“Dito sa laylayan, 5-6yrs ago, yung 150 ko na pamalengke nakakaluto kami isang ulam na food namin maghapon (family of 3). Busog kami lahat. Ngayon isang meal na lang yung 150 bitin pa.”

“Guni-guni lang po ang tino, Heneral. “

“Matagal ng isyu yan. Ilang presidente na ang nagdaan may nangyari ba? Hanggat maraming magnanakaw sa gobyerno hindi bababa ang presyo ng bilihin sa punyetang bansang to!”

“Ang dami kasing kupitero. Nagkalat sa kongreso, senado pati na rin sa munisipyo!”

Read more...