Jane pumili ng 5 artista na malakas ang laban sa pagka-best actress sa MMFF

Jane pumili ng 5 artista na malakas ang laban sa pagka-best actress sa MMFF

PURING-PURI ng kanyang mga co-stars sa Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” ang Kapamilya actress na si Jane de Leon.

Natanong ang cast members ng naturang pelikula na sina Jane, MJ Lastimosa at Alexa Miro sa naganap na grand mediacon kamakailan kung sino sa kanilang tatlo ang pwedeng manalong best actress sakaling ma-nominate sila sa MMFF 2024 Gabi Ng Parangal.

Sagot nina Alexa at MJ, feeling nila ay si Jane ang posibleng magwaging best actress dahil nakita nila kung gaano kagaling ang dalaga habang sinu-shoot nila ang “Strange Frequencies.”

Sey ni MJ, “Mine-message ko ‘yan (si Jane). Tine-text ko siya kapag after ng mga eksena namin tapos napapanood ko yung playback: ‘Ang galing-galing mo talaga, bakla!’ Ginaganu’n ko talaga siya.”

Baka Bet Mo: Enrique, Rob, Alexa ‘napaglaruan’ sa haunted hospital sa Taiwan

“Naa-amaze ako kasi nga first time ko siyang nakatrabaho at ngayon nakikita ko na talaga yung alam mo kung bakit siya ang piniling Darna, kung bakit ipinagkakatiwala sa kanya yung mga roles na nakukuha niya.

“It’s being justified. Magaling talaga ‘yang badeng na ‘yan. Best actress ‘di ba?” dugtong ng beauty queen-actress.

Para naman kay Alexa, witness siya kung paano pinag-aralan at kinarir ni Jane ang pagganap sa kanyang karakter sa movie.

“The last time po na nagpo-promo kami, I even talk to her na parang: ‘Babe, how do you do that? How do you just let all your real emotions show?’

“Parang kahit nakatitig lang siya, kitang kita mo na walang keber na lalabas yung fear kahit sa mata ka lang nakatingin sa kaniya,” ani Alexa.

Siyempre, super thankful si Jane sa mga naging pahayag nina MJ at Alexa about her at sinabing hindi rin niya magagampanan nang maayos ang kanyang role kung hindi rin sa tulong at suporta ng mga ito.

Sa tanong naman kay Jane kung sino ang limang aktres na may entry sa ika-50 edisyon ng MMFF ang feeling niya ay deserving tanghaling best actress, nabanggit niya sina Judy Ann Santos (Espantaho), Julia Barretto (Hold Me Close), Nadine Lustre (Uninvited), Julia Montes (Topakk) at Vilma Santos (Uninvited).

“With other representative ng movies, ng mga actress, feeling ko Ms. Juday. It’s between Ms. Juday, Julia Barretto, Nadine, Julia Montes and Tita Vilma Santos. It’s either sa kanilang lima,” sey ni Jane.

Mapapanood na ang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” simula sa December 25. Kasama rin dito sina Enrique Gil, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo also playing as themselves.

Read more...