HABANG tumatagal ay lalong nagiging sweet ang celebrity couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa isa’t-isa.
Kamakailan lang ay ipinagdiriwang ng mag-asawa ang ika-14th anniversary nila at nagkaroon a nga sila ng special bonding time sa isang sikat na resort sa Lipa City, Batangas.
Sa Instagram, ibinandera ni Regine ang video ni Ogie na kinakantahan siya ng isang love song na mismong isinulat ng kanyang mister.
Caption niya, “Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko kahit ano pa ang sabihin ng iba (mangilanngilan) ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay [red heart emoji].”
Baka Bet Mo: Ogie, Regine nakakaramdam ng ‘banta’ sa mga baguhan, batang singer?
Mensahe pa niya kay Ogie, “Happy Anniversary baba I love you so much [blowing kiss emoji] Thank you for this relaxing weekend [blushing emoji].”
Siyempre, hindi rin nagpatalo sa pagbati si Ogie at may ipinost rin siya sa kanyang IG page ng picture ni Regine na may hawak na bouquet of flowers.
“Happy 14th my love,” bungad ng TV host-singer sa post.
Aniya pa, “You are my everything. My most precious one. My strength and my weakness. My baba. “
Kasunod niyan, may ibinandera rin si Ogie na sweet selfie nila ng misis.
“[Thank you] Lord for giving us time to experience this beautiful place,” wika niya.
Muling pagbati niya, “Happy anniversary baba! @reginevalcasid.”
Kung matatandaan, taong 2010 nang ikinasal sina Regine at Ogie sa Batangas.
Matapos ang isang taon ay nabiyayaan sila ng isang anak na si Nate.