NCAA title para sa LETRAN o SAN BEDA? | Bandera

NCAA title para sa LETRAN o SAN BEDA?

Mike Lee - November 16, 2013 - 03:00 AM

Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2:30 p.m. Letran vs
San Beda (Game 3)

MAGSASAGUPA sa kahuli-hulihang pagkakataon sa napakahabang 89th season ng NCAA men’s basketball ang nagdedepensang kampeong San Beda Red Lions at ang runner-up last year na Letran Knights.

Nakataya sa Game Three ng Finals ngayon ang kampeonato ng pinakamatandang basketball league ng bansa.
Pakay ng San Beda na mapalawig sa 18 ang kanilang kampeonato na pinakamarami sa NCAA.

Bukod sa makaganti sa kabiguang natamo sa Finals noong isang taon ay nais ng Knights na masungkit ang ika-17 titulo at mapantayan ang Red Lions sa  bilang ng kampeonatong nakuha sa liga.

Sa ganap na alas-2:30 ng hapon itinakda ang  laro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City. Bitbit ng tropa ni Letran coach Caloy Garcia ang momentum matapos kunin ang 79-74 panalo sa Game Two pero hindi basta-basta padadaig ang  Red Lions na sasandalan ang pride ng isang champion team.

“I believe that the boys won’t allow this to happen again,” wika ni Boyet Fernandez na nasa kanyang unang taon bilang head coach ng San Beda.

Mas beterano sa do-or-die game ang Red Lions dahil halos lahat ng players ay kabilang na noong inangkin ng San Beda ang 67-39 panalo sa Game Three sa nakaraang taon.

Ngunit iba na ang serye ngayon at para makuha ng Red Lions ang ikaapat na sunod na titulo at kauna-unahan ni Fernandez ay dapat gumawa ang guard na si Baser Amer at center Ola Adeogun.

Matapos ang 11 puntos at tatlong tres sa 80-68 panalo sa unang tagisan, si Amer ay may 1-of-9 shooting sa tres tungo sa walong puntos lamang.

Ang pagkakalagay sa foul trouble ng 6-foot-8 center na si Adeogun ang nagresulta para magkaroon lamang ito ng 10 puntos at 13 rebounds.

“Malaking factor talaga sa kanila si Ola because he is the key. If he plays well, San Beda will win,” wika ni Knights coach Caloy Garcia.

Wala naman siyang gagawing espesyal para madepensahan si Adeogun dahil ang pangunahing pinagtutuunan niya ay ang manatili ang pagtitiwala sa isa’t-isa ng Knights para manalo.

“Simula noong pumasok ako, lagi kong sinasabi sa kanila that they have to trust each other. Ang maganda sa team na ito, somebody will step-up kapag may hindi makapag-deliver,” ani Garcia.

Sa Game Two ay sina McJour Luib, John Tambeling, Reneford Ruaya at Jamil Gabawan ang mga gumawa sa panahong nakaupo ang mga starters ng Letran.

Pero higit sa bench, kakailanganin ng Knights ang matibay na kontribusyon mula sa mga beteranong sina Mark Cruz, Raymond Almazan, Kevin Racal at Jonathan Belorio.

Si Cruz ang pambato ng Knights sa kanyang average na 18 puntos habang ang 6-foot-7 slotman na si Almazan ay may average na 14 puntos, 9 rebounds at 2.7 blocks kada laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kailangang kargahan pa ni Almazan ang ipinakikita para tapatan kundi man ay hiyain ang inaasahang pagbangon ni Adeogun.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending