IN FAIRNESS, pak na pak ang loveteam ng pinakabagong Crush ng Bayan na si Andres Muhlach at ng Viva Artists Agency (VAA) star na si Ashtine Olviga.
Magkasama ngayon ang dalawang VAA talents sa much-anticipated Wattpad series na “Ang Mutya ng Section E”, na ipalalabas sa streaming platform na Vive One simula sa January, 2025.
Ito ang isa mga bonggang pasabog ng Viva Entertainment pagpasok ng Bagong Taon para sa mga fans and supporters nina Andres at Ashtine na talagang ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga manonood.
Baka Bet Mo: Andre Yllana natutong magsinungaling para lang magkabalikan sina Aiko at Jomari; mag-ina nagkaiyakan sa vlog
Ito ang ikalawang acting project ni Andres sa showbiz, ang una ay ang patok na sitcom niya sa TV5 na “Da Pers Family” kasama ang kanyang parents na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, at ang kakambal niyang si Atasha Muhlach.
Sa full trailer pa lang ng “Ang Mutya ng Section E” na ipinalabas sa mediacon ng show last December 19, ay nagpakilig na agad sina Andres at Ashtine. Talagang tilian at palakpakan ang mga fans na naroon.
Sa kuwento ng naturang digital series, gumaganap si Andres bilang si Mark Keifer Watson, ang class president ng Section E, habang si Ahstine naman ay si Jay-Jay Mariano, ang transfer student sa Higher Value International School na mapupunta sa Section E.
Sa simula ay hate na hate ng dalawa ang isa’t isa pero with a sudden twist of fate, bigla silang magkakainlaban.
“It feels really good. Tuwing may eksena kami ni Ash, kinililig ako. Kahit si Direk Theodore (Boborol)
minsan he will play music,” sagot ni Andres tungkol sa mga pakilig na eksena nila ni Ashtine.
Sey naman ni Ash, “answered prayer” ang pagtatambal nila ni Andres, “Marami na akong naging ka-lov team. Pero si Andres yung nag-click po talaga.
“Hindi ko in-expect. Siyempre Andres Muhlach na yan. sibrang grateful. Parang answered prayer. May kilig,” sey ng dalaga.
Sa tanong naman kay Andres na ngayon pa lang ay abangers na ang lahat sa pagpapakilig ng JayFer loveteam, “Sa totoo lang, the feeling is really… hindi ko ma-explain talaga na nakikita na nila yung trailer, lumabas na.
“The amount of hard work we put in as a cast, together, parang naging family na kami. Muntik na akong umiyak kanina. So it just feels really good. Feels really good,” sey ng binata.
Ano naman yung pinakamasaya, at pinakamahirap na ginawa ni Andres so far bilang artista? “Lahat po. There’s a lot of things. It’s not an easy thing to do talaga. This job is not taken lightly.
“The work you have to put in during the taping days, and even before the taping days, it’s all preparation talaga. How you do that is all different to each and every one of us,” aniya pa.
Sunod na question sa showbiz royalty, anong advice sa kanya nina Aga at Charlene pagdating sa aktingan, “Wala naman. Usually, just be yourself, you know.
“And sinasabi nila sa akin na, ‘You know, the effort that you put into this will show if you really give it your all.’
“Kaya I always try to give it my best talaga, especially for this project. This is really a blessing to me,” dugtong ni Andres.
Sa lahat ng abangers na fans, tutukan ang primer ng show na may title na, “Ang Mutya ng Secrion E: The Class Begins” na mapapanood na sa December 27.
Magsisimula naman itong ipalabas sa streaming platform na Viva One sa darating na January 3, 2025.
Kasama rin sa cast sina Rabin Angeles, ang magiging ka-love triangle nina Andres at Ashtine, Andre Yllana, Heart Ryan, Axel Torres, Charles Law, Frost Sandoval, Kurt Delos Reyes, Ethan David, Keagan De Jesus, Martin Venegas, Nic Galvez, Sam Shoaf, Yanyan De Jesus, Daniel Ong at AJ Ferrer.
Join din sa cast sina Michael Keith, Kyosu Guinto, Derick Ong, Angela
Muji, Sarah Joe, Jastine Lim, Rafa Victorino, Alex Payan, Love Yauco, Zeke Polina, at JD Axie.
Completing the cast are seasoned actors Yayo Aguila, Katya Santos, Rommel Luna, Lander Vera Perez, and Nanette Inventor.