Juday, Lorna, Chanda bardagulan sa akting; ‘Espantaho’ horror na may puso

Juday, Lorna, Chanda bardagulan sa akting; 'Espantaho' horror na may puso

NAKAKALOKA! Simula pa lang ng horror-drama film na “Espantaho” ay sigawan na agad ang mga nanood sa ginanap na premiere night kagabi, December 20, sa SM Megamall Cinema 2.

Kasama sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2024 ang “Espantaho” na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen, JC Santos at Mon Confiado.

Ito’y mula sa Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, Purple Bunny ni Judy Ann at Cineko Productions ni Enrico Roque.

Isa kami sa mga naimbitahan sa premiere night at celebrity screening ng “Espantaho” at in fairness, hindi nasayang ang effort namin na sagupain ang matinding trapik sa kalye kagabi.

Baka Bet Mo: Juday-Gladys reunion sa MMFF 2024 fancon; Uge pinagtripan ni Enchong

Muling pinatunayan ng iconic at award-winning director na si Chito Roño ang kanyang powers pagdating sa paggawa ng horror movie na siya ring nasa likod ng classic and blockbuster film na “Feng Shui” ni Kris Aquino.


Bilang isang certified addict sa mga horror movies, hindi kami binigo ng “Espantaho” dahil mula simula hanggang ending ay pak na pak ang katatakutan at nakagugulat na mga eksena.

Maraming panggulat factor ang pelikula, lalo na kapag nagsimula na ang sunud-sunod na pagpatay sa kuwento, nang dahil sa nakapasok na “peste” sa bahay ng karakter ni Judy Ann.

Sa mga magugulatin at madirihin, ihanda n’yo na ang inyong sarili sa iba’t ibang klase ng pagkamatay ng mga pangunahing karakter sa pelikula dahil siguradong hindi n’yo kakayanin ang ginawang execution ni Direk Chito.

Para sa amin, ang pinaka-nakakadiri ay ang nangyari kay Janice! Kaloka! As in hindi namin inakala na ganu’n ang ikamamatay niya! O, guys, hanggang diyan lang muna ang maikukuwento ko ha, para “no spoiler alert” tayo! Ha-hahaha!

Lahat ng artistang kasali sa “Espantaho” ay nabigyan ng hustisya ang kanilang karakter, kabilang na sina Mon, Janice. JC at Donna Cariaga pati na ang child actor na si Kian Co na gumanap na anak ni Juday.

Pero ang talagang nagmarka sa amin at sa iba pang manonood ay sina Juday, Chanda at Lorna.

Grabe! As in grabe ang palitan nila ng dialogue sa bawat eksena na talagang pinapalakpakan at hinihiyawan ng audience. Bagay na bagay kay Chanda ang kanyang role bilang isang naghihiganting asawa na pinagtaksilan ng kanyang mister.

Ibang klaseng Lorna rin ang mapapanood n’yo sa “Espantaho” bilang nanay ni Juday na gagawin ang lahat para sa kapakanan ng kanyang anak kahit na umabot pa ito hanggang sa huling hantungan.

At siyempre, itodo na natin ang papuri sa Queen of Pinoy Soap Opera na si Juday! Dito, bukod sa pananakot at panggugulat, nagpaiyak din ang award-winning actress sa bandang ending kung saan ipinakita ang walang hanggang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

Hindi na kami masyadong magkukuwento tungkol sa istorya ng pelikula para ma-experience n’yo rin ang kakaibang naranasan namin habang pinanonood ang “Espantaho” at hindi ma-spoil ang mga nakawiwindang na plot twists.

Basta watch na lang kayo sa December 25 ng “Espantaho” bilang bahagi ng 50th anniversary ng MMFF.

Read more...