Dating PBB HOUSEMATE binaril ng karnaper, buti na lang nakatakas
MUNTIK nang madisgrasya si Johan Santos noong madaling-araw ng Nov. 15. Ikinuwento ni Johan ang pangyayari sa kanyang Instagram kasabay ng pagpo-post ng photo ng SUV niyang black na may tama ng baril ang bintana.
“Galing akong work, 2am nagpapark ako sa tapat ng bhay. Lumabas ako ng kotse pra icheck kung maayos park ko (di ko pa pinapatay makina at bukas rin window driver side).
Sa di kalayuan may kotse nakahinto (prang lancer no plate) may 2 lalake nkababa, isa nkabonnet at may hawak (isip kong baka baril) instinct ko mukhang may masamang ggwin dhl sa napansin ko,” Johan tweeted.
“Bigla ako pasok kotse agad. At shift gear. Bka ako umandar. Naabutan nya ako at tinutukan ako ng .45 na baril sabe ‘WAG KANG TATAKBO’ pero umandar prn ako sabay yuko,” dagdag pa niyang kuwento.
At this juncture, ayon pa rin sa kuwento niya, “Sbay pinutukan ako. Thank GOD di ako tinamaan. Thank you God tlga at di skn tumama. Basag salamin ng sasakyan sa passenger window side.”
Masuwerte pa rin si Johan dahil hindi siya tinamaan at walang masyadong damage ang kanyang sasakyan. Sa huli ay ito ang naging mensahe ng binata, “Mag ingat po tyo sa panahon ngayon marame tlga mga nagkalat na kriminal! Mag ingat po tyo.”
Kaagad ding nag-tweet ang manager ni Johan na si Leo Bukas about the incident. “Binaril si @instajohansantos ng karnaper ng minamaneho niyang itim na montero kaninang madaling araw sa Panay Ave,, mabuti na lang at di siya tinamaan.
Praise God sa salamin tumama ang bullet,” tweet niya. Actually, nakita pa namin si Johan before the incident dahil pinuntahan niya ang manager niyang si Leo na kumakain noon sa isang noodle house na katabi ng resto bar na venue ng launching album ng bagong balladeer na si MJ Cayabyab.
Kasama pa namin si Leo hanggang noong madaling-araw na merong nag-text sa kanya na binaril ang sasakyan ng kanyang alaga.
Sino kaya ang bumaril sa sasakyan ni Johan? Meron bang may matinding galit sa kanya para gawin ‘yon it is just a clear case of attempted carnapping?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.