Mercy Sunot ng Aegis pumanaw na matapos makipaglaban sa cancer

Mercy Sunot ng Aegis pumanaw na matapos makipaglaban sa cancer

Mercy Sunot (Photo from Aegis Band FB page)

PUMANAW na ang miyembro ng Aegis band na si Mercy Sunot matapos ang kanyang pakikipaglaban sa lung cancer. Siya ay 48 years old.

Nagluluksa ngayon ang buong entertainment industry dahil sa pagyao ni Mercy na talaga namang ikinabigla ng kanyang mga supporters at kaibigan sa entertainment industry.

Kinumpirma ng mga kabanda ng biriterang singer ang malungkot na balita sa pamamagitan ng official Facebook page ng Aegis Band.

“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band.

“She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.

Baka Bet Mo: AEGIS may ‘Pamasko’ sa fans, first time magkaroon ng Christmas concert: ‘We want to spread happiness, positivity’

“Mercy’s voice wasn’t just a part of AEGIS—it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many.

“Let us come together to celebrate the incredible life she lived and the legacy she leaves behind.
“She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang.

“Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts.

“Let us come together to celebrate the incredible life she lived and the legacy she leaves behind.

“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will be deeply missed!” ang nakasaad sa official statement ng Aegis.

Ni-repost din ito ng admin ng FB account ni Mercy na may mensaheng, “It’s confirmed po, to those who are asking. I’m just waiting for the official aegis band post po before I post something like this…it feels unreal!

“As a fan, and as her sexy-tary, my heart is so broken like you. Please continue praying for my Ate Mercy’s soul po as we speak. Thank you so much for the support.”

Kagabi, naisulat namin dito sa BANDERA ang hiling ni Mercy na ipagdasal siya ng mga netizens na sana’y matapos na ang pinagdaraanang pagsubok.

Sa ginawa niyang TikTok video, sinabi niyang naging matagumpay naman ang ginawang operasyon sa kanya kamakailan dahil sa breast at lung cancer.

Dinala raw siya sa intensive care unit (ICU) sa isang ospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga kasunod ng pagtanggal sa namuong tubig sa kanyang baga.

“Biglang nahirapan akong huminga, so dinala ako sa ICU. May tubig pala, may inflammation ‘yung lungs ko, so ginagawan na nila ng paraan,” pagbabahagi ng miyembro ng Aegis.

Aniya, tinurukan siya ng steroids para  maiwasan ang paglala ng inflammation sa kanyang baga.

Sa dulo ng kanyang TikTok video ay nagsimula ngang maluha si Mercy habang  humihiling sa kanyang mga followers na ipagdasal siya para sa kanyang agarang paggaling.

“Pag-pray niyo ako guys, please. Pag-pray niyo ako na matatapos na ‘tong pagsubok na ‘to,” pagsusumamo ni Mercy gamit ang mga hashtag na #breastcancerwarrior at #lungcancerwarrior.

Read more...