Paolo Contis ‘single’ na ulit, kumpirmadong hiwalay na kay Yen Santos?

Paolo Contis ‘single’ na ulit, kumpirmadong hiwalay na kay Yen Santos?

PHOTO: Instagram/@paolo_contis

MAY inamin ang batikang aktor na si Paolo Contis patungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Ayon sa kanya, siya ay “single” na!

Ang rebelasyon na ‘yan ay matapos tanungin ng King of Talk na si Boy Abunda sina Paolo at Kokoy de Santos, “Para sa inyo, single or taken?”

Diretsahan naman itong sinagot ni Paolo at ang pinili niya ay “single.”

Hindi na nag-follow up question si Tito Boy at wala na ring ipinaliwanag si Paolo, pero malinaw na ito ang kanyang kumpirmasyon sa gitna ng kumakalat na “breakup rumors” sa pagitan nila ng aktres na si Yen Santos.

Baka Bet Mo: Yen Santos hugot na hugot sa love advice ni Heart, patama kay Paolo?

Matatandaang noong Mayo, nagsimulang kumalat ang balita na may pinagdaraanan sina Yen at Paolo sa kanilang relasyon matapos i-unfollow ng aktres ang Kapuso star sa Instagram.

Sumunod dito ang pagbura ni Yen sa photo at video message niya para sa 40th birthday ni Paolo sa IG last March. 

Mensahe ni Yen sa caption, “Screaming happy 40th birthday to my best friend! [woman and man holding hands emoji].”

“Thank you for everything you do [heart emoji],” dugtong pa niya.

Sa isang panayam kay Paolo noong May 6, natanong siya tungkol dito, “Totoo bang break na kayo ni Yen?”

“No comment. Libre naman magtanong, pero yun ang sagot ko, no comment,” ang sagot ng aktor.

Aniya pa, “As I always say, masyado na kayong maraming alam sa buhay ko. So, I’d like to keep my personal life, personal.”

Noong January 2023, nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon si Paolo sa “Fast Talk With Boy Abunda” tungkol sa relasyon nila ni Yen, “Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

“Hindi na namin pwedeng ipilit ‘yung tao to be happy for us. Hindi namin pwede ipilit ‘yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.”

Aniya pa, “Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, ‘yun lang ‘yung truth na alam nila.”

Read more...