Huynh Thi Thanh Thuy ng Vietnam waging Miss International 2024
KINORONAHAN bilang Miss International 2024 ang pambato ng Vietnam na si Huynh Thi Thanh Thuy.
Tagumpay na nasungkit ng dalaga ang korona at tinalo ang 70 iba pang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa.
Tuluyan nang ipinasa ng reigning Miss International 2023 na si Andrea Rubio ng Venezuela ang korona at responsibilidad sa bagong hirang na si Miss International 2024 winner.
Tila hindi pa nga makapaniwala si Thuy sa kanyang pagkakapanalo.
Baka Bet Mo: Angelica Lopez bigong makapasok sa Top 20 ng Miss International 2024
View this post on Instagram
“Arogato Gozaimas. I’m the first Miss Vietnam coming to Miss International and now, I’m the first Miss International from Vietnam.
“Finally I can prove that I deserve all the love and support from my audience and friends from Vietnam and around the world. Thank you so much! Arigato Gozaimas,” pagpapasalamat ni Huynh Thi Thanh Thuy.
Wagi naman bilang first runner-up ang pambato ng Bolivia na si Camila Ribera Roca. Nasungkit naman ng kandidata mula sa Spain na si Alba Perez ang pwesto ng second runner-up.
Pasok rin bilang third runner-up ang pambato ng Venezuela na si Sakra Guerrero habang fourth runner-up ang representative ng Indonesia na si Sophie Kirana.
Samantala, proud pa rin ang buong bansa para sa ating kandidatang si Angelica Lopez kahit na bigo itong makapasok sa Top 20 ng naturang beauty pageant.
“Your unwavering support means everything to me. Thank you for believing in my journey — together, we shine brighter! In the heart of every supporter lies the strength to uplift a dreamer.
“This is for you all my kababayan, this is for the Philippines. Mahal ko kayo. Mabuhay!” ani Angelica sa mga sumusuporta bago pa man magsimula ang Miss International 2024 coronation night.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.