Orient Pearl nagbabalik, Naldy Padilla pinalitan na ni Ney Dimaculangan

Orient Pearl nagbabalik, Naldy Padilla pinalitan na ni Ney Dimaculangan

Ney Dimaculangan kasama ang iba pang miyembro ng Orient Pearl

MAY ibang priority na sa buhay at career si Naldy Padilla kaya hindi na niya tinanggap ang offer na maging bokalista uli ng bandang Orient Pearl.

In fairness, sumikat naman talaga noong dekada 90 ang Orient Pearl na nagpasikat sa mga classic hits na “Pagsubok”, “Cry in the Rain” at marami pang iba.

At makalipas nga ang dalawang dekada, nagbabalik ang alternative rock band kasama ang bago nilang bokalista – ang dating frontman ng 6Cyclemind na si Ney Dimaculangan.

Sa naganap na presscon kamakailan, humarap si Ney sa mga members ng entertainment media kasama ang mga original members ng Orient Pearl na sina Budz Beraquit (keyboardist), Leo Awatin (founder and lead guitarist), Ryan Gomez (bassist), at Third Caez (drummer).

Baka Bet Mo: Lolit Solis kinontra ng netizen ukol sa pagsusuot ni Kris ng pearl necklace

Nag-audition si Ney sa pamamagitan ng isang video kung saan kinanta niya ang “Pagsubok” pero mga kamay lang niya ang makikita habang nagpi-piano kaya walang kaalam-alam ang Orient Pearl na siya ang nasa audition video.


Ayon sa grupo, may blessing ni Naldy ang pagkuha ng bagong bokalista at walang katotohanan na na-disband o nag-away-away sila kaya sila biglang nawala ang kanilang original vocalist.

“Bumalik kami kasi gusto naming mag-share ng music sa masa. Gusto naming ma-uplift at ma-empower sila. Kung talagang passion mo, magagawa mo siya. Sabi nila, 20 years daw nawala pero nagkikita kami. Tumutugtog din kami pero hindi lang active.

“May messages sa amin na dahil sa song na ‘Pagsubok’ ay maraming na-inspire. Natutuwa kami roon. Hindi namin alam na pinapakinggan pa kami. May obligasyon kami sa masa. Hindi pa naman huli ang lahat,” ang pahayag ng gitarista at founder ng Orieng Pearl na si Leo.

“May pangarap kami. Hindi lang basta sumikat, basta makilala, gusto naming magbigay ng message, at makapagbigay ng legacy. Gusto naming maipamana ang mga kanta namin sa next generation.

“Tuwang-tuwa kami at ito ‘yung time para magpasalamat kami sa mga taong nakikinig. Hanggang ngayon, pinapakinggan nila, kahit saang bar, mula bata hanggang matanda.

“Buhay pa kami. Nandito pa kami. Gagawa pa kami ng kanta para sa nakikinig. There’s no stopping us. Malaki ang utang na loob namin sa mga taong nakikinig sa amin,” aniya pa.

Natanong naman si Ney kung ano ang magiging reaksyon niya sa pagkukumpara sa kanila ni Naldy, “Matic naman ‘yan. Sabi ko nga, you cannot please everyone so automatic na response ng tao ‘yon even though kahit maganda minsan, natural lang ‘yan.

“So you just have to ano, make sense kung tama ba ‘yung comment nila and you can use it positively. Or if it’s a negative thing, exit na lang sa kabila.

“So ganoon na lang and basta as long as your intention is pure, wala kang sinasagasaang tao, I guess ‘yun ‘yung pinakamahalaga,” paliwanag ni Ney.


Hindi rin niya in-expect na siya ang mapipiling bagong vocalist ng Orient Pearl, “Sobrang bilis ng pangyayari. Nagpa-audition sila online. Sabi ko, sige nga. Nakapambahay pa ako noon. Nag-video ako. Sinend ko.

“May tumawag na parang ini-invite na ako na makipagkita. Ganoon ang nangyari. Galing pa ako ng Pangasinan. Eventually nag-usap-usap kami. Nakapag-jam naman kami and wala naman silang reklamo. They decided na ito na ‘yung start,” pagbabahagi ni Ney.

Sa mga nangtatanong kung active pa ba ang 6Cyclemind, “Nandiyan pa ang 6cyclemind. To put it simple, it was the only choice given to me. roon nagsimula. It was the (previous) management who gave me that option (para umalis) and told me to create a new band.

“After that five years sa new band, kailangan ko na ring umalis sa management. Parang ang hirap sagutin na kailangan mo pang magsalita. Baka i-judge ka pa ng mga tao. Para sa akin, it’s an old thing na, so, ang mahalaga is we respect each other,” paliwanag ng OPM artist.

Ang Orient Pearl ay nasa pangangalaga ngayon ni Jaworski Garcia ng BLKSHPMNL. Dream come true para sa kanya na maalagaan ang iniidolo niyang grupo.

“Since ang nagma-manage kay Ney ay ako, they approached me na i-manage ko na rin sila (band).

“‘Yung song na ‘Pagsubok,’ themesong ko sa buhay ‘yan. Sila ‘yung second band na na-book ko when I was like in college ‘Yun kasi ang trabaho ko before. Very meaningful sa akin ang banda. Dream come true for me, handling the band I idolize. Si Ney is a perfect fit,” sey ni Jaworski.

Sa pagpapakila kay Ney, ibinalita ng grupo ang pagre-record nila ng bagong kanta, ang “Hari” na mapapakinggan na sa mga digital streaming platforms.

Read more...