Chelsea Manalo napansin ni Tyra Banks, napa-comment pa: ‘Get it, girl!!!!!’
NAGING agaw-pansin sa supermodel at TV host na si Tyra Banks ang ating pambato sa Miss Universe na si Chelsea Manalo.
Mukhang kahit ang international star ay napukaw sa kagandahan ni Chelsea at napa-comment pa nga sa ilang Instagram posts niya.
Katulad na lamang sa ibinanderang portrait photo ng beauty queen para sa Miss Universe 2024.
Ang komento diyan ni Tyra, “Get it, girl!!!!!”
Baka Bet Mo: Video ni Chelsea Manalo bilang empleyado sa hotel viral na, bakit kaya?
Laking gulat ni Chelsea kaya agad niya itong shinare sa IG Stories at napa-OMG sa tuwa!
Siyempre, ibinida rin ito ng Miss Universe Philippines Organization sa kanilang official IG account.
“When the legend herself, Tyra Banks, notices our very own Miss Universe Philippines, Chelsea Manalo. You deserve all this,” sey sa caption.
View this post on Instagram
Hindi pa riyan natatapos ang pagkakilig ni Chelsea dahil mukhang tiningnan talaga ng supermodel ang kanyang profile at muli itong nag-iwan ng comment sa isa pa niyang post.
“Work!!!” lahad ni Tyra.
View this post on Instagram
Kung matatandaan, inamin ni Chelsea sa docuseries na “In Her Shoes” na isa si Tyra sa kanyang mga idols.
“Actually isa sa mga tao na nag-inspire sa akin at a very young age, it was Ms. Tyra Banks… I saw myself in her [and] nakikinig na ako [at] the way she speaks,” sambit niya.
Aniya pa, “She motivates and influences people at a young age, like me. Ang laki ng impact eh.”
Si Chelsea ang inaasahang magwawagi ng ika-limang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas, kasunod ni Catriona Gray na kinoronahan noong 2018.
Ang coronation night ng international competition ay mangyayari sa Arena CDMX sa Mexico sa darating na November 17, oras sa Pilipinas.
Ang reigning queen na si Sheynnis Palacios ang mismong magpapasa ng korona at titulo sa mananalong kandidata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.