Ely Buendia may pasabog na bagong album: ‘It’s something to do with rebelling’

https://www.instagram.com/banderaphl/p/CySzLlshbfX/?utm_source=ig_embed&utm_campaign=loading&img_index=2

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

NAGMARKA ng mahalagang kabanata sa kanyang solo career ang OPM icon na si Ely Buendia!

Ito ay sa pamamagitan ng bagong release niyang sophomore album na “Method Adaptor” via Offshore Music and Sony Music Entertainment.

Ayon kay Ely, ang bagong album ay sumusuri sa mga alaala, karanasan, at mga isyung panlipunan na naging tanda na niya bilang isang Pinoy rock legend.

“I think all the songs have something to do with rebelling—be it from the disappointments and hardships of life or from the control that people want to have on your mind. I would say these are the most defiant songs I’ve written so far,” sey ng singer-songwriter sa isang pahayag.

Matapos ang mahigit tatlong dekada sa music industry, inamin ni Ely na ang sumasalamin sa kanyang album ay ‘yung nararanasan niyang “pressure” at social expectations pagdating sa kanyang karera.

Baka Bet Mo: Promise ni Kris Aquino sa mga fans: I will definitely be back!

“Fame didn’t mix well with me,” sambit ng rock icon.

Chika niya, “I just felt it got in the way of my trying to evolve as an artist and made me more guarded as a whole. Coming out for me means owning everything, both my failures and successes.”

Ang album ay produced by Jerome Velasco and Audry Dionisio, with a little help from Erwin Romulo.

Ang “Kandarapa,” ang focus track ng album at itinatampok nito ang tungkol sa pagharap sa matinding pagsubok at walang katiyakan kung ito ay malalampasan pa.

Paliwanag ni Ely, “Sometimes you feel like you’re going to have to battle your way through the rest of your life.”

Maliban sa focus track, Mapapakinggan din sa “method Adaptor” album ang mga kantang “Faithful Song,” “Bulaklak Sa Buwan,” “Tamang Hinala,” “Deadbeat Creeper,” “Sige, “Tagpi-Tagping Piraso,” “Kontrabando,” Chance Passenger,” at “Esprit de Corpse.”

Ang “Method Adaptor” ni Ely Buendia ay available na ngayon sa lahat ng digital music platforms sa buong mundo via Offshore at Sony Music Entertainment.

Read more...