Jericho susugal bilang producer; Nathan Studios may paandar sa QCinema

Jericho susugal bilang producer; Nathan Studios may paandar sa QCinema

IBANG klase talaga ang sipag at dedikasyon ni former Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño sa pagtulong upang mas mapabongga pa ang kalidad ng Philippines movie industry.

Pagkatapos nga niyang mamayagpag nang ilang taon bilang chairperson ng FDCP, patuloy na gumagawa ng paraan si Liza para sa ikaaangat pa ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Isa na nga riyan ang pagtataguyod sa nasimulan nilang QCinema Project Market (QPM) na isa sa mga ipinagmamalaking proyekto ng Quezon City Film Commission (QCFC) kung saan si Liza ang executive director.

Siya rin ang tumatayong managing director ng QPM na nasa ikalawang tao na ngayon.

Sa naganap na presscon para sa 2nd QPM,  na nakatakdang idaos mula November 14 hanggang 16, ibinalita ni Liza at ng iba pang bumubuo sa proyekto, mas maraming makikinabang na filmmakers at producers this year.

Baka Bet Mo: Sylvia mas ginanahang mag-produce dahil sa concert ni Ice: Yun ang No. 1 para sa akin, pumalakpak ako, kumanta, umiyak, tumawa

Sa katatapos na media­con na dinaluhan ni Liza Diño, executive director ng Quezon City Film Commission (QCFC) at QPM managing director, sinabi nito na ganu’n pa rin ang goal ng naturang event sa ikalawa nitong taon – nagsisilbi itong isang platform ng industriya na nag-uugnay sa mga gumagawa ng pelikula sa Southeast Asia sa pagpopondo sa mga kasosyo, producer, at international collaborator.

Sey ni Liza, “The QCinema Project Market is committed to continuing to bridge collaborations with the Philippines and Southeast Asia, offering a space for co-productions that elevate our region’s stories to the world.

“There’s a growing number of investors in the Philippines recognizing the potential of films for the international market, and QPM aims to capitalize on this exciting opportunity.

“By connec­ting filmmakers with these investors and partners from Southeast Asia, we are driving the region’s rise as a key player in global cinema and ensuring that our stories are given the platform they deserve,” paliwanag ng aktres at content creator.

Isa sa mga magpa-participate sa naturang proyekto ay ang award-winning actor na si Jericho Rosales. Siya ang bibida at magsisilbing producer ng pelikulang “Lihim na Luha” (Secret Cries) kasama ang co-producer na si Darlene Malimas ng DCM Autodidact Films.

Mula sa direksyon ni Eileen Cabiling, iikot ang kwento ng movie sa isang amang adik na mapipilitang patayin ang asawang aswang para isalba ang buhay ng sanggol nilang anak.

Bukod dito, may bonggang partisipasyon din sa 2nd QPM si Congressman Arjo Atayde at ang kanilang production company na Nathan Studios. Siya ang lead star ng crime thriller film na “Moonglow,” na isa sa featured projects mula sa QCPM 2023.

Ito’y joint production ng Pilipinas, Amerika at Singapore, produced by Alemberg Ang, mula sa direksyon ng award-winning US-based Pinoy filmmaker na si Isabel Sandoval.

Baka Bet Mo: Ria Atayde umaming mas mahirap maging producer kesa sa pag-arte sa harap ng camera; gustong makatulong sa movie industry

Ang Nathan Studios ni Cong. Arjo at ng kanilang pamilay sa pangunguna ni Sylvia Sanchez ay kabilang sa mga QPM partners na magbibigay ng grants this year.

Tinawag na Nathan Studios Development Grant, isa sa mga papasang proyekto ang makatatanggap ng P250,000 grant mula sa nasabing production company.

Ang QPM awards ay may 10 kategorya na magbibigay ng financial support at essential post-production services sa mga mapipiling pelikula.

Tatlong Filipino projects ang tatanggap ng P2 million QPM-PH Co-Production Grant. Ang QPM-SEA Production Prize naman ay P1 million para sa outstanding Southeast Asian project at P750,000 each sa dalawa pang mapipili. Ang mga masusuwerteng pelikula ay ibabandera sa November 16.

Pitong Southeast Asian movies ang kasama sa QPM 2024: ang The Beer Girl in Yangon (Myanmar, Indonesia), Picturehouse (Vietnam), Future Laobans (Myanmar), To Leave, To Stay (Cambodia), Other People’s Dreams (Singapore), The Passport (Malaysia) at I’ll Smile in September (Singapore, India).

Labingtatlo naman ang mula sa Pinoy filmmakers: Anak Alon (Daughters of the Sea), Molder, My Neighbor the Gangster, Bato Bato Sa Langit Ang Tamaan Magagalit (Heaven Help Us), Baradero (A Ship of Fools) Golden, Lihim Na Luha (Secret Cries), Inahing Baka (Mother Maybe) Please Bear With Me Angel de Dios, Hum, Ewa (Eve) at The Returning.

Kasabay ng QPM 2 ang pagdaraos ng Asian Next Wave Film Forum at Creative Industries Day, na magbibigay ng oportunidad sa filmmakers, directors, producers at industry leaders para sa kolaborasyon, learning at networking.

Ang Creative Industries Day ay gaganapin sa November 15 habang ang Asian Next Wave Film Forum naman ay nakatakda sa November 16.

Sabi naman ni QCinema Artistic Director Ed Lejano umaasa siya na ang QCinema Pro­ject Market ay magiging regular bahagi na ng taunang international film festival.

“QCinema Project Market has been met with warm welcome and overwhelming interest from the country and the region and we hope to be able to continue this as an annual integral program inside QCinema.

“This event holds so much potential and promise for our projects and decision makers alike and we are glad to bring everyone together this year,” aniya pa.

Read more...