‘Marce’ papalayo na ng bansa, pero naka-Signal No. 1 at 2 sa Luzon

‘Marce’ papalayo na ng bansa, pero naka-Signal No. 1 at 2 sa Luzon

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

HABANG patuloy na lumalayo ang bagyong Marce sa ating bansa, inalis na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa bahagi ng Luzon.

Base sa 11 a.m. weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyo ay huling namataan sa layong 100 kilometers kanluran ng Laoag City sa Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas na hanging 140 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 20 kilometers per hour papunta sa kanluran.

Ayon sa PAGASA, ang weather disturbance ay inaasahang lalabas ng ating Philippine Area of Responsibility (PAR) anumang oras ngayong araw, November 8.

Baka Bet Mo: Ate Vi pumalag sa fake news, nasaan daw sa kasagsagan ng bagyong Kristine

Magugunitang unang nag-landfall ang bagyo sa Sta. Ana, Cagayan kahapon, November 7.

Kasunod niyan ay kagabi rin na kung saan ay tumama naman ito sa baybayin ng hilagang bahagi ng Cagayan.

Inalis na ng ahensya ang Signal No. 3, pero nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa malaking bahagi ng Luzon.

Kabilang na riyan ang northwestern portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes), western portion ng Apayao (Calanasan, Kabugao), Abra, Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur (Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Burgos, City of Candon, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, San Ildefonso, Galimuyod, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Cruz, Santa Maria, Narvacan, Salcedo, Santa Lucia).

Naka-Sugnal No. 1 naman ang Batanes, Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, northern at western portions ng Isabela (Santo Tomas, Alicia, San Mateo, Aurora, Santa Maria, Quezon, Ramon, Naguilian, Roxas, Luna, Delfin Albano, City of Cauayan, San Pablo, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, City of Santiago, Tumauini, Cabagan, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, Gamu, San Isidro, Mallig, Cordon, Maconacon, Burgos), northern at western portions ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Bayombong, Solano, Quezon, Bambang, Kayapa, Santa Fe, Aritao), northwestern portion ng Quirino (Diffun, Saguday), natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabi ng Ilocos Sur, La Union, at northern and central portions ng Pangasinan (Bani, Bolinao, Anda, City of Alaminos, Agno, Sual, Labrador, Burgos, Mabini, Lingayen, Binmaley, Dagupan City, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Pozorrubio, Sison, San Manuel, San Nicolas, Tayug, Santa Maria, Binalonan, Asingan, Laoac, Manaoag, Mapandan, Santa Barbara, Calasiao, City of Urdaneta, Basista, Villasis, Malasiqui, Urbiztondo, Aguilar, Santo Tomas, San Carlos City, Bugallon, Infanta, Dasol).

Dahil sa Typhoon Marce, asahan ang stormy weather sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ngayong araw, November 8.

Uulanin din ang Cordillera Administrative Region, ang natitirang bahagi ng Ilocos Region, Batanes, at Cagayan.

Habang dahil naman sa “trough” o buntot ng bagyo ay mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Central Luzon at natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Dulot ng localized thunderstorms, may panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila.

Read more...