Ely Buendia may comeback solo after 3 years, hugot na hugot sa fake news
MAKABULUHAN ang bagong release na comeback single ng OPM icon na si Ely Buendia.
Ito ang “Bulaklak Sa Buwan” na ibinabandera ang kamalayan pagdating sa katotohanan at paglaban sa misinformation o fake news.
“I’ve been watching documentaries a lot, and I tried to distill everything in one song,” paliwanag ng legendary Pinoy rock artist sa isang pahayag.
Sey niya, “The track is all about the quest for the truth. It’s about seeking knowledge while resisting the confines of dogma.”
Ayon pa kay Ely, ang bagong kanta ay magiging parte ng upcoming second album niya na pinamagatang “Method Adaptor” na nakatakdang ilabas sa November 8 via Sony Music Entertainment and Offshore Music.
Baka Bet Mo: Ely Buendia ipinakilala ang 10 bagong music artists ng kanyang record label na ‘Offshore Music’
“I wanted it to be buoyant-sounding and surprising,” esplika ng award-winning OPM icon sa kanyang single.
Dagdag niya, “The song is very upbeat, and I utilized several modulation techniques to make it seem like the music goes higher and higher every time.”
Ang “Bulaklak Sa Buwan” ay may music video rin na mula sa direksyon ni Niko Cezar at Aimee Aznar ng KNYA Collective.
Si Ely rin mismo ang bida sa video at makikitang nasa kagubatan siya at tila may hinahanap na bulaklak.
“Upon finding it, I get into some upside- down vibes (like Stranger Things), getting transported into another dimension,” chika niya.
Ang nasabing single ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide, habang ang MV ay mapapanood na sa YouTube.
Kung matatandaan, taong 2021 pa nang huling naglabas ng solo single si Ely at ito ay pinamagatang “Metro.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.