Promise ni Kris Aquino sa mga fans: I will definitely be back!

Promise ni Kris Aquino sa mga fans: I will definitely be back!

Ervin Santiago - November 04, 2024 - 08:35 AM

Promise ni Kris Aquino sa mga fans: I will definitely be back!

Kris Aquino

SINISIGURO ng Queen of All Media na si Kris Aquino na babalik na siya sa entertainment industry dahil kailangan niyang magtrabaho.

Sa kabila ng pinagdaraanang health problems, desidido ang premyadong TV host-actress na makapag-work uli sa showbiz para na rin sa lahat ng humihiling na makabalik na sana siya sa TV.

Nitong nagdaang araw, muling nagbahagi ang dating showbiz editor at malapit na kaibigan ni Kris na si Kuya Dindo Balares tungkol sa lagay ng kalusugan ng TV host.

Kamakailan lamang ay ibinalita ni Kuya Dindo na kinailangan uling dalhin sa ospital si Kris para sa isang bagong medical procedure dahil lumiliit na umano ang muscle sa binti ng aktres.

Baka Bet Mo: James nag-react sa engagement nina Kris at Mel: I’m happy for her

Sa latest update ni Kuya Dindo na ibinahagi niya sa Instagram at Facebook, nakalabas na raw si Kris sa Makati Medical Center.

Ipinost din niya ang message ni Kris para sa mga social media followers nito bago sumailalim sa medical procedure. Narito ang buong FB status ng confidante ni Kris.

“I WILL DEFINITELY BE BACK’ –KRIS” ang title ng kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Para sa media friends na nangungumusta kung nakalabas na sa Makati Medical Center si Kris: yes po.

“Katunayan, may Story post na siya sa IG. May message siya sa kanyang followers bago sumailalim sa procedure last weekend na sadyang ngayon ko lang ilalabas.

“‘Please say that please let me get my health okay and the matulungin Kris will definitely be back. I just need to start working para may pang-share.’

“Kasi nga excited makisali sa relief.

“Kung minsan, natatagalan bago ko ma-process ang thinking ni Kris. Gaya ng kagustuhan niyang makapagtrabaho uli.

“‘I don’t want sadness for my followers. Because I want them to continue praying. We all need to have faith although, Kuya Dindo aamin ako- sa sobrang sakit there are moments I really can’t help but cry.’

“I remind myself though, I’m allowed because I’m still human.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“#TuloyAngLaban, Krisy!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending