Win Gatchalian sa SUV issue: Iwam na lang natin sa LTO

Win Gatchalian sa SUV issue: Iwan na lang natin sa LTO

Therese Arceo - November 07, 2024 - 10:11 PM

Win Gatchalian sa SUV issue: Iwan na lang natin sa LTO

NAGSALITA na si Senator Win Gatchalian hinggil sa pagkakasangkot ng kanilang pamilya tungkol sa isang SUV na ilegal na gumamit ng EDSA Busway.

Sa isang ambush interview sa senador ngayong araw, November 7, natanong siya ng media kung kapatid nga ba niya ang may-ari ng naturang sasakyan na mainit na pinag-uusapan ngayon.

Wala namang naging kumpirmasyon o pagtatanggi mula sa naging pahayag ni Sen. Win.

“Nandoon na sa LTO ‘yong mga documents. So, iwan na lang natin sa LTO,” saad ng senador.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo, Win Gatchalian na-hulicam, ‘nagtukaan’ sa Senado

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa ni Sen. Win, “Sa pagkakaalam ko kahapon sa news, nag-iinvestigate na rin sila. So, I think iwan na lang natin doon.”

Matatandaang nitong Miyerkules, November 6, iniharap na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng naturang sasakyan na kinilalang si Angelito Edpan sa media.

Ayon kay LTO chief Asec. Vigor Mendoza II, naka-register sa isang kompanyang Orient Pacific Corporation ang naturang viral SUV.

Sinabi rin ni Sen. Raffy ma kamag-anak umano ng isang senador ang lulan ng naturang SUV na dumaan sa EDSA busway sa Guadalupe kamakailan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Related ito sa isang senador pero hindi ‘yong senador ‘yong sakay ng SUV na ‘yan at the time. Kamag-anak ng isang senador,” lahad ni Sen. Tulfo.

Lumutang ang mga pangalang “William” at “Kenneth Gatchalian” mula sa media na sinabing konektado umano sa Orient Pacific Corp.

Si William Gatchalian ang umano’y ama ni Sen. Sherwin Gatchalian, habang si Kenneth Gatchalian naman ay ang kapatid nito at siyang presidente ng Orient Pacific Corp.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending