Maiqui Pineda umalma sa balitang malapit na siyang mamatay

Maiqui Pineda umalma sa fake news na malapit na siyang mamatay

Robi Domingo at Maiqui Pineda

KUMALAT sa social media ang isang Facebook post na may taning na raw ang buhay ng asawa ni Robi Domingo na si Maiqui Pineda.

Ang naturang balita ay naka-post sa FB page na “Pinoy Spotlight” na may titulong “Robi Domingo Nagsalita Na! Inaming may taning na ang buhay ng asawa!”

May caption pa itong, “Sobrang sakit! Ilang buwan ko na lang siya makakasama.”

Libu-libo ang nagkomento at nag-share sa nasabing FB post kaya naman naalarma na si Maiqui at mariing itinanggi na malapit na siyang mamatay dahil tinaningan na raw ang kanyang buhay dahil sa kanyang autoimmune disease.

Baka Bet Mo: Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng misis ni Robi ang screenshot ng naturang fake news at ipinagdiinan na wala itong katotohanan at walang ganu’ng statement ang asawang TV host.

Paliwanag ni Maiqui, “I don’t use Facebook so I don’t see posts like these but thanks to people for sharing to me. Probably why people would ask me if I’m OK.”


“I only share here since I’ve built a good relationship with a lot of people who follow and message me. You guys know me best,” mariin pang esplika ni Maiqui.

Dugtong pa niya, “If ever you have the time, please help me report this post for false information on health. Thank you!”

Matatandaang na-diagnose ng dermatomyositis si Maiqui, na isang “rare autoimmune disease that causes muscle weakness, inflammation and a skin rash.”

Ibinalita ito nina Maiqui at Robi sa publiko noong August, 2023, habang naghahanda para sa kanilang wedding. Ikinasal ang dalawa noong January, 2024.

Read more...