UMATRAS na ang TV host-model na si Ion Perez sa pagtakbo bilang konsehal sa Concepcion, Tarlac para sa darating na 2025 midterm elections.
Ito ang in-announce ng asawa ni Vice Ganda sa pamamagitan ng kanyang social media account kahapon, November 4, isang buwan matapos mag-file ng Certificate of Candidacy (CoC).
Base sa TikTok video ng “It’s Showtime” host, nagdesisyon siyang huwag nang tumakbo sa magaganap na eleksyon next year kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kanyang mga supporters.
“Sa mga kalugar ko diyan sa Concepcion, una po maraming salamat sa tiwala at suporta niyo na ibinigay sa akin.
Baka Bet Mo: Kris gagawin lahat para gumaling; bumisita muna sa Tarlac bago tuluyang umalis ng Pinas
“Pinapaalam ko lang po na hindi na po ako tatakbo o tutuloy bilang konsehal ng Concepcion,” ang bahagi ng pahayag ng aktor.
Sey ni Ipn, gusto raw muna niyang mas paghandaan pa ang pagsabak sa politika upang maging karapat-dapat sa posisyong kanyang tatakbuhan.
“Gusto ko po munang ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya sa inyo at mapaglingkuran kayo ng tama.
“Muli po, maraming maraming salamat sa inyong tiwala. Paumanhin po,” ang mensahe pa ng partner ni Vice.
Noong October 1 at personal na nagsumite ng kanyang CoC si Ion sa tanggapan ng Comelec sa Concepcion.
Bago pa man ang filing ng CoC, nauna nang nanumpa si Ion bilang bagong kasapi ng Nationalist People’s Coalition na ginanap sa municipal hall ng Concepcion.