Anak ni Bunny Paras tinaningan na ng doktor, pero...

Anak ni Bunny Paras tinaningan na ng doktor, pero may nangyaring himala

Ervin Santiago |March 31,2024
facebook
share this

Anak ni Bunny Paras tinaningan na ng doktor, pero may nangyaring himala

Ervin Santiago - March 31, 2024 - 07:40 AM

Anak ni Bunny Paras tinaningan na ng doktor, pero may nangyaring himala

Bunny Paras at Moira

“TINANINGAN” na pala ang buhay ng anak ng dating aktres na si Bunny Paras nang matuklasan ang pambihirang kondisyon nito, ang “Friedreich Ataxi.”

Ayon kay Bunny, ang naturang “rare condition” ang dahilan kung bakit hindi na raw makalakad ang kanyang panganay na anak na si Moira.

Base sa isang health website, ang Friedreich Ataxia ay bunga ng gene defect sa mga magulang. Apektado nito ang ilang nerves system.

Ang sintomas ng naturang disorder ay lumalabas sa late childhood ng isang indibidwal kung saan nahihirapan siyang maglakad at magsalita bukod pa sa madaling mapagod at hingalin.

Baka Bet Mo: Gary V tinaningan na ang buhay nang magka-diabetes: I should’ve died at around 44

Na-interview ang former actress sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan naibahagi nga nito ang mga pinagdaraanan ni Moira matapos ma-diagnose ng mga doktor na meron itong “Friedreich Ataxi.”

Kuwento ni Bunny, 10 years old ang anak niya sa dating TV host at DJ na si Mo Twister Moira nang “taningan” ng mga doktor ang buhay nito.

Maaaring tumagal lamang ng 25 hanggang 30 taon ang buhay ni Moira, “Kaya siya make-a-wish child.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Saira Bunny Paras – Greenway (@sairabunnyparas)


Kasunod nito, nagdesisyon si Bunny na isailalim sa clinical trial si Moira sa kagustuhang makakahanap ng tamang gamot para sa paggaling nito.

“Because of the clinical trial, they’re telling me that there’s a miracle happening in my daughter’s body,” pahayag ni Bunny na 25 anyos na ngayon.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!

Araw-araw daw nilang ipinagdarasal ang health condition ng anak, “‘Yung mga kasabayan niya, really down low. Talagang mahinang-mahina and Moira is like in the middle and something’s keeping her kahit paano.”

Nilinaw naman ni Bunny na hindi  “deteriorating” ang kalagayan ni Moira.

Sa isang panayam, sinabi ni Bunny na 17-years old si Moira nang magsimula siyang hindi makapaglakad.

“Nag-full time wheelchair na siya dahil bumigay na talaga ang legs niya. Nawala na pati ang sensation ng legs niya,” pahayag ni Bunny.

Kasabay nito, ibinalita rin ng former actress na ikakasal na that time ang anak, “Na-in love siya (partner) kay Moira because of her strength also.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang napangasawa naman ni Bunny ay si Tom Greenway.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending