Gary V tinaningan na ang buhay nang magka-diabetes: I should’ve died at around 44 | Bandera

Gary V tinaningan na ang buhay nang magka-diabetes: I should’ve died at around 44

Ervin Santiago - January 04, 2022 - 04:42 PM

Gary Valenciano

TINANINGAN na pala ang buhay ng award-winning at veteran Kapamilya singer at TV host na si Gary Valenciano.

Ito’y nangyari noong magkaroon siya ng diabetes sa edad na 14 at ayon sa kanilang family doctor, karaniwang nagtatagal lang hanggang 30 years ang buhay ng isang taong diabetic mula sa araw na ma-diagnose ito.

Naibahagi ni Gary ang tungkol sa iba’t ibang sakit na dumapo sa kanya nitong mga nakaraang taon sa bagong episode ng “Toni Talks” sa YouTube at kung paano niya nalagpasan ang mga ito.

Ang dalawa sa pinakamatinding hinarap niya ay ang kanyang heart surgery na sinundan pa ng pagkakaroon ng kidney cancer makalipas ang isang buwan.

Pero aniya, ang talagang nagmarka sa kanya ay nang sabihin ng doktor na maaaring tumagal na lang ang buhay niya ng 30 years matapos ma-diagnose ng type 1 diabetes noong 14 years old siya.

“When I was diagnosed when I was 14 years old, the doctor told my mother, ‘Mrs. Valenciano, a type 1 diabetic is given an average lifespan of 30 years from the day of diagnosis.’ 

“I was 14. So if you do the math, I should’ve died at around 44. Or maybe I got to 48, but with eyesight problems nerve endings, and all,” pahayag ni Gary.

Kaya naman todo ang pasasalamat ng singer kay Lord sa bawat araw na ibinibigay sa kanya dahil feeling strong pa rin siya sa edad na 57.

“I’m not ashamed to tell people how old I am because I’m not living on borrowed time. I’m living on His time…It’s just that I’m thankful for the life I have today,” sey pa ni Gary.

View this post on Instagram

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


Nang tanungin naman ni Toni kung ano ang sasabihin niya kay Lord kapag nakaharap na niya ito, aniya siguradong magiging speechless daw siya. 

Pero baka ang unang lalabas sa kanyang bibig ay, “I’m sorry.” Ito’y para sa lahat ng mga bagay na ginawa at hindi niya nagawa noong nabubuhay pa siya na sunod sa kagustuhan ng Diyos.

Sa isang episode ng “ASAP”, pinasalamatan ni Gary ang Panginoon dahil pinahaba pa ang kanyang buhay at patuloy na nakapagpapasaya ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang musika, “To our Lord, don’t give up on me, okay?

“I thank you for everything, for the life you’ve given me and I’m looking for the life I still have ahead of me with you and with these people,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/280896/gary-v-pinalakas-ang-loob-ng-mga-tinamaan-ng-covid-19-we-are-going-to-be-okay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280337/angeli-valenciano-tinamaan-ng-covid-humiling-ng-dasal-para-kay-gary-2-empleyado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending