Joshua Garcia sa pagiging aktor: Hindi pa ako satisfied, gutom pa rin!

Joshua Garcia sa pagiging aktor: Hindi pa ako satisfied, gutom pa rin!

Joshua Garcia

ISA ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa mga artistang grabe magpahalaga sa kanyang mga fans at social media followers.

Feeling namin ito ang rason kung bakit bine-bless nang bonggang-bongga si Joshua both sa kanyang personal life at showbiz career.

Bukod sa pagpapahalaga sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya, sinisiguro rin ng binata ang maganda at maayos na relasyon sa lahat ng mga nakakatrabaho niya sa showbiz industry.

Sa panayam kay Joshua matapos pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, natanong siya kung anu-ano ang ipinagpapasalamat niya sa 10 taon niya sa showbiz.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia may inamin tungkol kay Kathryn Bernardo, anong konek sa isang sinehan sa Batangas?

Sey ni Joshua, napakalaki ng tinatanaw niyang utang na loob sa mga veteran stars at award-winning celebrities na nakatrabaho niya these past 10 years, kabilang na riyan sina Sylvia Sanchez at Dimples Romana.

“Ang isa sa pinagsasalamat ko ay marami akong nakatrabaho na beterano na aktress at aktor.

“Sila yung nagtuturo sa akin kung paano dapat makihalubilo sa mga tao, hindi lang basta sa mga artista. Importante din yung may relationship ka sa production, sa crew,” pahayag ng aktor.


Dito nga niya nabanggit ang relationship niya sa kanyang mga fans, “Tapos how to handle the fans kasi of course may mga times na nagsu-shoot kami nandoon sila, nanonood.

“Pwede mo sila pagbigyan pero pagkatapos na ng shoot, pero dapat pagbigyan mo,” aniya pa.

Samantala, natanong din si Joshua kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang younger self.

“Magtiwala ka lang sa mga decisions mo kasi yung pagtitiwala mo sa mga decisions mo, dadalhin ka sa mas magandang lugar.

“Yun lang din yung ginawa ko nung buong journey ko eh, nagtiwala lang ako sa decisions ko, nagtiwala lang ako sa gut feel ko.

“Ang daming decision making sa trabaho na to, kung tatanggapin mo or ito ba yung gagawin mo,” sey ni Joshua.

Tungkol naman sa mga pumupuri sa pagiging magaling at premyadong aktor, sey ng binata napakarami pa niyang gustong gawin at mapatunayan pagdating sa pag-arte.

“Kasi ako mismo hindi ako satisfied, di pa ako puno. Nandu’n pa rin yung gutom ko.

“May bagong nilu-look forward, may bagong goal na sana makagawa rin ako ng ganito, sana makaarte rin ako ng ganitong kagaling.

“May ganu’n ako lalo na sobrang competitive ko sa lahat ng bagay,” sabi pa ni Joshua na muling bibida sa upcoming Philippine adaptation ng hit South Korean series na “It’s Okay to Not Be Okay” opposite Anne Curtis.

Read more...