DALAWANG pelikula tungkol sa pag-iibigan ng mga kapwa lalaki ang mapapanood sa VMX Plus, mga kwentong nakakapukaw ng puso at nakapag-iinit ng damdamin.
Sa “Pwede G, Pwede B” mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal, isang heartbreaker ang magkakaroon ng mahiwagang sexual awakening matapos ang isang night out kasama ang kanyang matalik na kaibigan.
Ito ay pinagbibidahan nina Gio Gahol, Julian Roxas, at tampok sina Elora Españo, at Claudia Enriquez.
Handog ng VMX at The IdeaFirst Company, ang comedy-drama na ito ay tungkol kay Basil (Gahol), isang gwapo at charming na lalaki na may reputasyon magpaibig ng mga babae pero iiwan ang mga ito sa oras na nagiging seryoso na ang relasyon.
Baka Bet Mo: Boobay na-hurt nang biglang hiwalayan ng dyowa: Sana naging tama ‘yung desisyon mo…
Mababago ang kanyang buhay matapos makipag-inuman sa kanyang matalik na kaibigan na si Theo (Roxas). Ang isang gabing puno ng alak at kalokohan ay magdadala ng mga kakaibang pangyayari na magpapaisip kay Basil kung sino nga ba talaga siya.
Nang magising si Basil pagkatapos ng inuman, mari-realize niyang may nangyari sa kanila ni Theo — na isang straight man at malapit nang ikasal sa kanyang long-time girlfriend na si Cindy (Enriquez).
Susubukan ni Basil na bumalik sa kanyang dating gawi na makipag-flirt at maghanap ng ka-hookup na babae.
Ngunit sa tuwing tatangkain niyang magkaroon ng sexual encounter sa babae, bigla na lang may lilitaw na lalaki na handang makipag-hookup sa kanya.
Ganti nga ba ito mula sa lahat ng babaeng nasaktan niya? O hinihikayat na ba siya ng universe na harapin ang katotohanan tungkol sa kanyang sexuality at damdamin para kay Theo?
Subaybayan ang journey ni Basil sa pag-ibig at pagtuklas sa sarili, sa isang kwentong magpapaalala sa atin na hindi laging kailangan sumunod sa “strict rules” ang ating buhay— minsan, “Pwede G, Pwede B” lang. Available na sa VMX Plus pay-per-view.
Isa pang pelikula mula kay direk Payawal ang ipalalabas simula October 30.
Pinamagatang “Bigayan”, ito ay pinagbibidahan nina Mike Liwag at Jesse Guinto bilang gay couple na sina Kent at Harvey.
Sa loob ng pitong taon, masaya sa kanilang open relationship sina Harvey at Kent. Nagkakilala ang dalawa sa isang orgy. Nang ma-in love sila, nagkasundo silang hindi pipigilan ang isa’t isa na sumiping sa ibang lalaki.
Ang kaso, biglang magbabago ang damdamin ni Harvey. Laking gulat ni Kent nang gusto na ni Harvey na maging exclusive lang silang dalawa.
Bukod pa doon ay gusto ni Harvey na bumuo sila ng pamilya. Nagmula si Harvey sa malaking pamilya na nagbuhos sa kanya ng pagmamahal bilang siya ang bunso.
Samantala, galing naman si Kent sa broken family. Galit siya sa mga manloloko at salawahan pero hindi rin siya handa sa isang monogamous na relasyon.
Walang duda ang pagmamahal ni Kent kay Harvey pero kung hindi niya maibigay ang gusto nito, sa hiwalayan ba ito matutuloy?
May puwang pa ba sa pag-uusap o desidido na ba si Harvey sa relasyong “all or nothing”? Para mapanood ang “Bigayan” at “Pwede G, Pwede B.”