Sino kina Toni, Anne at Juday ang favorite leading lady ni Sam?

Sino kina Toni, Anne at Juday ang favorite leading lady ni Sam?

Judy Ann Santos, Toni Gonzaga, Anne Curtis at Sam Milby

SINO nga ba ang favorite leading lady ng Kapamilya hunk actor na si Sam Milby na nakasama niya sa lahat ng naging project niya sa dalawang dekada niya sa showbiz?

Isa ito sa mga maintrigang tanong ng members ng press nang muling pumirma ang binata ng exclusive contract sa ABS-CBN recently.

Sa 20 years ni Sam sa entertainment industry, ilan sa mga aktres na nakatrabaho niya sa telebisyon at pelikula ay sina Anne Curtis, Julia Montes, Yen Santos, Toni Gonzaga, Judy Ann Santos at marami pang iba.

Sagot ni Sam, parang ang hirap daw mamili sa mga nabanggit na leading lady dahil feeling niya ay magiging unfair siya sa mga aktres na hindi niya mapipili.

“Parang as a gentleman, hindi ko kayang sabihin kasi I’ve been blessed to have worked with so many napakagaling and so professional and so respectful na leading ladies.

Baka Bet Mo: Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

“I kind of want to leave it at that because I feel like it’s wrong to just cherry pick one,” tugon ni Sam sa panayam ng ABS-CBN.

Ayaw ding magbanggit ng pangalan ang aktor nang matanong naman kung sinu-sino sa tinatawag na new generation ng mga Kapamilya actress ang nais niyang makatrabaho.


“Honestly, I’m getting older so it’s hard for me to choose. We have to admit, itong business na ito, it’s a young market. It’s harder habang tumatanda ka. I just turned 40.

“I feel the age actually. There are so many amazing, talented actresses sa ABS-CBN and I honestly wouldn’t say that there’s one that I would love to work with,” katwiran ni Sam.

Sey pa ng aktor, hindi raw siya natatakot na mawala siya sa limelight, “It’s something that you have to accept. I mean, showbiz, is not a very stable job kumpara sa mga iba.

“You can have your a successful show, ang ganda, tapos after two years wala ka ng trabaho. It happens.

“It’s something that I understand na nangyayari, you have your peak, sometimes you feel like it’s survival mode. I just feel so blessed right now,” dagdag pang pahayag ni Sam.

Dugtong pa niya, “That’s why being here for the contract signing, I feel napaka-blessed. I’m going to be here as a Forever Kapamilya for the next few years also.”

Mapapanood naman uli si Sam sa Pinoy version ng seryeng “Saving Grace”.

Read more...