Empoy nilayasan ang trabaho nang multuhin ng kaluluwang walang mukha

Empoy nilayasan ang trabaho nang multuhin ng kaluluwang walang mukha

Empoy Marquez

MAY pahabol na katatakutang kuwento ang komedyanteng si Empoy Marquez na siya mismo ang naka-experience noong hindi pa siya nag-aartista.

Personal daw na nakakita ng kaluluwang walang mukha ang aktor sa dati niyang pinagtatrabahuhan.

Napanood namin sa nakaraang post-Holloween special ng “I-Juander” ang pagbabahagi ni Empoy ng nakakakilabot niyang ghost experience. Co-host na ni Susan Enriquez sa programa ang komedyante.

Pagbabalik-tanaw ni Empoy, nangyari ang horror experience niya noong maging working student siya habang nag-aaral sa kolehiyo sa isang university sa Bulacan.

Baka Bet Mo: Empoy na-trauma sa lovelife, natakot magkadyowa uli; Cristine goodbye sa pagpapaseksi: ‘Gusto ko muna sa General Patronage’

Kuwento ng aktor, nag-aaral siya sa umaga at nagtatrabaho naman sa isang convenience store sa gabi. Eksaktong Araw ng Mga Patay nang multuhin siya ng isang ligaw na kaluluwa.


Inutusan daw siya that time ng kanilang manager na magpapalit ng barya sa opisina at nang makapasok na siya sa office ay nakita niya ang dalawang kandilang may sindi with matching bulaklak.

“Bakit kako may ganito dito?'” ang tanong ni Empoy sa sarili. Ipinagpalagay na lang daw niyang hindi na uuwi sa probinsiya ang kanilang manager para doon mag-Undas kaya nagsindi na lang ng kandila at naglagay ng bulaklak sa opisina.

Ngunit ilang sandali lamang ay bigla na lang nagpakita sa kanya ang kaluluwa na walang mukha. Nagtatakbo raw siya at tinawagan ang kanilang manager para isumbong ang kanyang nakita pero hindi na siya sinagot.

Kinabukasan, nag-sorry sa kanya ang  manager sa pangdededma sa kanyang nasaksihan. Paliwanag niya kay Empoy, hindi raw niya sinabi sa komedyante ang totoo dahil baka matakot siya at umalis sa oras na maraming customers.

Esplika pa ng manager, ang nakita ni Empoy ay ang kaluluwa ng isang dating staff sa store na namatay dahil binangungot kaya naman nagsisindi ng kandila at naglalagay ng bulaklak sa kuwarto ng kanilang opisina tuwing Undas.


Kasunod nito, nagdesisyon daw agad si Empoy na hindi na mag-report sa kanilang store dahil sa matinding takot. Awa raw ng Diyos at hindi na uli  nangyari ang naturang insidente.

“All you have to do is pray. Magdasal talaga kayo, kasi most powerful talaga na sandata natin sa mundo…prayers talaga,” paalala ni Empoy.

Read more...