SUMAKABILANG-BUHAY na ang dating Pagsanjan, Laguna Mayor na si Girlie “Maita” Ejercito ngayong araw, November 3. Siya ay 55 years old.
Pumanaw ang alkalde habang naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos makipaglaban sa endometrial cancer.
Kinumpirma ng asawa ni Maita na si dating Laguna Gov. ER Ejercito ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook ngayong umaga.
“My lovely and beautiful wife, our dearly beloved Mayora Girlie ‘Maita’ Javier- Ejercito of Pagsanjan, Laguna just passed away due to endometrial cancer at 12:01 am, November 3, 2024 at St. Luke’s Medical Center, Quezon City.
“She was 55 and we have six children, Eric, Jet, Jerico, Jhulia, Diego and Gabriela.
Baka Bet Mo: Alice aprub sa akting ni Claire Castro sa Nagbabagang Luha; Thea hindi pinababayaan ng GMA
“MAYORA MAITA WAS AN OUTSTANDING MULTI-AWARDED LOCAL CHIEF EXECUTIVE (2010 – 2019) WHO BROUGHT LIFE, JOY AND INTEGRITY INTO THE SIGNIFICANT PROGRAMS AND PROJECTS OF PAGSANJAN, WHICH IS NOW RECOGNIZED AS THE TOURIST CAPITAL OF LAGUNA. UNA SA LAHAT.
“OUR FAMILY IS REQUESTING FOR PRAYERS AND MASS OFFERINGS FOR THE REPOSE OF HER SOUL.
“ETERNAL REST GRANT UNTO HER O, LORD, AND LET PERPETUAL LIGHT SHINE UPON HER. MAY HER SOUL AND THE SOULS OF ALL THE FAITHFUL DEPARTED THROUGH THE MERCY OF GOD REST IN PEACE. AMEN.”
“Heartfelt thanks for all your love and prayers,” pagbabahagi ng aktor at dating public servant.
Ibuburol ang labi ng namayapang mayor sa kanillang tahanan sa The Don Porong Ejercito, 1912 Ancestral Mansion sa Pagsanjan, Laguna.
Naging alkalde ang dating aktres sa Pagsanjan mula June, 2010 hanggang June 2019. Nagsilbi rin siya bilang vice mayor ng Pagsanjan noong June, 2019 hanggang June, 2022.
Bago sumabak sa mundo ng politika ay pinasok muna ni Maita ang showbiz at nakilala sa screen name na Maita Sanchez.
Ilan sa mga nagawa niyang pelikula ay pinagbidahan ng pumanaw na Action King at movie icon na si Fernando Poe, Jr..
Kabilang sa mga pelikula ng yumaong actress-public servant ay ang sumusunod: “Sa Dulo ng Baril” (1988), “Lagalag: The Eddie Fernandez Story” (1994), “Minsan Pa: Kahit Pagtingin Part 2” (1995), “Hagedorn” (1996), “Pagbabalik ng Probinsyano” (1998), “Ang Dalubhasa” (2000), at “Batas ng Lansangan” (2002).