Mariel may kondisyon nang pakasalan si Robin bilang Muslim: Dapat ako lang

Mariel may kondisyon nang pakasalan si Robin bilang Muslim: Dapat ako lang

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

MAY kondisyon pala si Mariel Rodriguez mula nang makipagrelasyon at magdesisyong magpakasal kay Sen. Robin Padilla.

Never naging isyu at problema kay Mariel ang pagiging Muslim ni Robin sa kanilang married life kung saan pwedeng magkaroon ang actor-public servant ng hanggang apat na asawa.

Ayon sa TV host-actress may mga agreement sila ng asawa nang magpakasal sila tungkol sa ilang bagay sa kanilang personal life at mga advocacy.

Natanong si Mariel sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung hindi ba siya nag-aalala o naba-bother sa katotohanang pwedeng magpakasal si Binoe sa apat na babae.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!

“They really are allowed to marry four, but, ako may kondisyon. When I got in the relationship, because Robin was very clear, he said that what mattered to him ‘yung kumbaga ‘yung untouchable sa kanya is ‘yung Mindanao and his children. So never ko ‘yun ginagalaw,” paliwanag ni Mariel.

Partikular na binanggit ni Mariel ang mga ginagawang pagtulong ni Robin sa Mindanao, lalo na kapag hindi niya nakakasama ang asawa sa tuwing  nagtutungo ito sa Mindanao upang maghatid ng donasyon, at iba pang serbisyo.


Bukod pa rito, isa pang hindi puwedeng pakialaman ni Mariel ay ang mga anak ni Robin. Never niyang kinuwestiyon ang asawa sa panahon at oras na inilalaan nito para sa mga anak.

“I get that. So ako, ang sabi ko, isa lang ang kondisyon ko, Tito Boy, it can only be me. ‘Yun lang. Everything else, lahat, kaya ko ‘yan lahat, no problem,” pahayag pa ni Mariel.

Sundot na tanong ni Tito Boy, “Did he say yes?”

“Of course, Tito Boy, and to this day, he’s working very, very hard to keep that promise,” tugon ng Mariel.

Sa question ni Tito Boy sa kanyang talent na si Mariel, kung masaya siya ngayon, ang mabilis na tugon ng TV host-actress, “I’m very happy.

“I don’t think that I’ve ever been more content and this is probably one of the best times of my life, especially now that I’m 40. I think, when you’re 40, you already know who you are.

“Tapos ka na sa gusto mong patunayan pa. Ngayon, alam mo na kung sino ka, mas kumportable ka na,” sey pa ni Mariel.

Read more...