‘Venom: The Last Dance’ nanguna sa opening day ng bansa

‘Venom: The Last Dance’ puno ng aksyon, nanguna sa opening day ng bansa

Pauline del Rosario - October 31, 2024 - 01:11 PM

‘Venom: The Last Dance’ puno ng aksyon, nanguna sa opening day ng bansa

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

BUKOD sa katatakutan, swak ring pang-movie marathon ngayong Halloween Season ang bagong pelikula ng “Venom.”

Ito ang huling franchise ng thriller action movie na “Venom: The Last Dance” na pinagbibidahan ng English actor na si Tom Hardy at kasalukuyang umaarangkada na sa mga lokal na sinehan.

Napanood ng BANDERA ang advance screening ng pelikula at nasaksihan namin na mas puno ang aksyon at bakbakan nito.

Bukod kasi sa bagong matinding kalaban, ipinakita rin ang ilang mga bagong karakter na kakampi rin mismo ni Venom.

Nakadagdag din sa ganda ng pelikula ang ilang eksena na may halong comedy.

Baka Bet Mo: ‘Joker’, ‘Superman’, ‘Venom’, ‘Smile’ mga nagbabalik big screen ngayong Oktubre

Ayon sa Columbia Pictures, nanguna sa opening day ng ating bansa ang bagong movie ng “Venom.”

Bilang kabuuan, ito ay umani ng $175 million o higit P10.1 billion sa pagbubukas ng pelikula sa buong mundo.

Bukod kay Tom, tampok din sa “Venom: The Last Dance” sina Chiwetel Ejiofor, Juno Temple, Rhys Ifans, Peggy Lu, Alanna Ubach at Stephen Graham. 

Mula ito sa direksyon ni Kelly Marcel na based sa screenplay na kanyang isinulat.

Kung napanood niyo na ang mga unang pelikula ng nasabing franchise, Si “Venom” ay isang alien symbiote na sumanib o humawak sa katawan ni Eddie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa una ay hindi sila magkasundo bilang magkaiba ang kanilang prinsipyo sa buhay, pero bandang huli ay naging isang malakas na duo na sila.

Ang unang pelikula ay ipinalabas noong 2018 na may titulong “Venom” at ang part two ay noong 2021 na may pamagat na “Venom: Let There Be Carnage.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending