Sanya ibinuking rape scene nila ni Dennis: Totoo na yung pawis namin

Sanya ibinuking rape scene nila ni Dennis: Totoo na yung pawis namin

Sanya Lopez at Dennis Trillo

Trigger Warning: Mention of rape, sexual assault

KNOWS n’yo bang “take 1” lang ang rape scene nina Sanya Lopez at Dennis Trillo sa hit Kapuso primetime series na “Pulang Araw”?

Yan ang ni-reveal mismo ni Sanya tungkol sa trending na panggagahasa sa karakter niyang si Teresita sa naturang serye ng GMA.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit trending din si Dennis at ang role niya sa programa as Colonel Yuta Saito sa social media na siya ngang nang-rape kay Teresita.

Talagang tinutukan ng manonood ang episode ng “Pulang Araw” last Thursday ng nasabing hit historical-drama series, kung saan naganap nga ang pagmamalupit at panghahalay kay Teresita.

Baka Bet Mo: Sanya nakalunok ng pawis, Alden binomba at pinagbabaril sa ‘Pulang Araw’

Dahil dito, sandamakmak na positibong komento ang natanggap nina Sanya at Dennis mula sa manonood at netizens.

Nireplayan naman ni Sanya ang isang netizen na nag-post ng komento sa napanood niyang rape scene at nabanggit ngang one take lamang ito pero tumagal pa rin ng ilang oras dahil kinailangang kunan ng iba’t ibang anggulo.

“Totoo na yung pawis namin bhieee…,” ang post ni Sanya kasunod ang pagpapasalamat kay Dennis.


“Sa eksena na ito talaga ako humanga lalo sa kanya sa pagiging sobrang professional…bukod sa napakahusay…” dagdag ni Sanya.

Nauna rito, naisulat din namin ang napakasakit na pag-iyak ng Kapuso actress nang magbigay ng mensahe para sa lahat ng Filipino Comfort Woman na hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin ng hustisya.

Hindi napigilan ni Sanya ang maging emosyonal nang humarap sa ginanap na Pandesal Forum sa 85-year-old Kamuning Bakery ni Wilson Flores para sa Justice for Filipino Comfort Women #FlowersForTheLolasCampaign.

Kuwento ni Sanya, sumabak sila sa immersion bago sumabak sa taping ng “Pulang Araw” kung saan personal nilang nakausap ang dalawang comfort woman sa Pilipinas na nabubuhay pa.

Bukod dito, nakilala at nakausap din nila ang mga taong tumutulong sa ating mga comfort woman na patuloy na nakikipaglaban para mabigyan ng hustisya ang mga lola nating inabuso at ginahasa noong panahon ng World War II mula sa malulupit ng sundalong Hapon.

“Nu’ng una ko silang makasama (lumuluha na)…sorry po very emotional po talaga ako sa ganito. Kasi totoo po ang nangyari sa kanila, sa nangyari sa mga kababaihan noong panahon ng WW II.


“At nu’ng naimbitahan kasi ako sa mga tumutulong para sa comfort women, nakakalungkot po na dalawa na lang po sa kanila ang natitirang buhay. Kailan kaya nila matatanggap ang hustisya na nararapat para sa kanila. Kasi konti na lang sila, kaya kailan pa?

“Pasensiya na po kasi nu’ng nakausap ko sila, sobrang durog na durog din po ako. Sobrang sakit po sa puso na marinig ‘yung kuwento nila. Dahil totoo po ‘yung nangyari sa kanila, at hindi po biro,” ang umiiyak pa ring pahayag ng Kapuso star.

“Kaya sa mga lola po natin na nakipaglaban, nakipagsapalaran, ‘yung pinaglaban nila ang sarili nila bilang kababaibahan, saludo po ako sa inyo, saludo po ako sa katatagan ninyo kaya ito pong Pulang Araw asahan po ninyo na isa ito sa magiging boses ng ating comfort women,” aniya.

Samantala, suportado rin ng Eslite S-Acetyl Glutathione ang matagumpay na serye ni Sanya sa GMA 7. Five years turning six nang celebrity ambassador si Sanya ng naturang brand.

Present sa Pandesal Forum na dinaluhan ni Sanya recently ang may-ari ng Eslite na si Eddy Cobankiat, na talaga namang todo papuri sa kabutihan at pagiging totoong tao ng aktres.

Aniya, tuluy-tuloy pa rin ang collaboration ng Eslite at ni Sanya dahil naniniwala silang effective endorser ang dalaga at super loyal din sa kanilang produkto.

Read more...