Nadine boldyak sa fans ni Marian, gaya-gaya raw sa pag-collect ng Labubu

Nadine binoldyak ng fans ni Marian, gaya-gaya sa pag-collect ng Labubu

Marian Rivera at Nadine Samonte

TAKANG-TAKA ang Kapuso actress na si Nadine Samonte kung bakit galit na galit sa kanya ang ilang netizens dahil sa pangongolekta niya ng “Labubu.”

In fairness, kung may isang artista na medyo matagal-tagal na ring nangongolekta ng naturang bag charms na tinatawag ding Royal Mollies, iyan ay si Nadine.

Pero mula raw nang mag-post siya sa social media ng kanyang Labubu collection ay maraming biglang nam-bash sa kanya, kabilang na ang ilang fans ni Marian Rivera.

Inaakusahan siya ng mga bashers na gaya-gaya lang naman daw siya sa Kapuso Primetime Queen sa pagbili at pangongolekta ng Labubu. Nag-post din kasi ang wifey ni Dingdong sa social media ng kanyang collections sa Instagram.

Baka Bet Mo: Rabiya Mateo sa pagiging leading lady ni Dingdong Dantes sa ‘Royal Blood’: ‘Mabigat po siyang responsibility’

“Nu’ng umpisa po na nagpo-post na ‘ko, may mga bashers na medyo below the belt and sinasabi nila na ‘Kaya ka pala walang upuan sa gala night.’ So may mga ganu’n,” sey ni Nadine sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda.”

May mga nagkokonek pa raw ng pag-collect niya ng Royal Molly sa nagdaang kontrobersya sa GMA Gala kung saan wala raw ang pangalan niya sa invited guests.


Sey pa ni Nadine, hindi rin niya alam nu’ng una na nangongolekta rin si Marian ng naturang toys. Malaman lang niya ang tungko dito nang mapanood niya ang video ng aktres at TV host.

“I texted her kasi I’m looking for some Royal Mollies na meron siya. Sabi ko, ‘Yan, saan mo nabili ‘yung ibang Royal Mollies mo? Sino ‘yung supplier mo?’

“Kasi that Royal Molly is really really hard to find, it’s rare kasi two years ago na po siyang nilabas so it’s really hard to find,” kuwento ni Nadine.

Ibinahagi naman daw ni Marian ang contact number ng supplier nito at sa katunayan ay sinabihan pa siya ni Marian ng, “Happy collecting, Nads!”

“So she’s so happy for me so I’m just curious, parang bakit ‘yung mga tao galit na galit sa’kin kasi nanggagaya ako?

“Hindi ko nage-gets ‘yung point nila so du’n ko na-realize na, ‘Hayaan mo na, it’s still a publicity, bahala sila. Basta ako, I’ll do whatever I like and I love whatever I have so bahala kayo,’” ang chika pa ni Nadine.

Read more...