Dominic ‘stranded’ ng ilang araw sa Sorsogon dahil sa bagyo: ‘Di makauwi…
BUKOD sa Parokya ni Edgar, stranded din pala sa Sorsogon ang aktor na si Dominic Roque dahil sa hagupit ng bagyong Kristine.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, sinabi ni Dominic na hindi sila makaalis ng kanyang mga kasama sa beach resort sa Sta. Magdalena.
“‘Di makauwi…Stranded here for two days now,” caption niya.
Wika pa niya, “If the sea permits, tatawid kami ng allen (port sa Samar) diretso ako ng Tacloban para maka-fly ng Manila. Sila diretso ng pa-Surigao Surigao to Davao.”
Kasunod niyan ay ipinakita niya ang litrato kasama ang fellow motorcycle riders kabilang na ang mga aktor na sina Jak Roberto at Jason Abalos.
Baka Bet Mo: Rosmar Tan binoldyak dahil sa nakakalokang hirit sa bagyong Kristine
Makalipas ang ilang oras, nag-update ulit si Dom at sinabing hindi siya natuloy umuwi at nasa resort pa rin siya.
Sambit niya, “Still here…Still stranded.”
Mensahe pa niya, “Sana maging okay po ang mga nasalanta ng bagyong Kristine…[folded hands emoji] praying for you guys.”
Magugunitang una namin isinulat dito sa BANDERA ang tungkol sa Parokya ni Edgar na nasa Sorsogon at hindi makauwi sa Manila dahil kanselado raw ang lahat ng flights.
“Stranded kami sa Sorsogon. Di kami maka-uwi. Canceled lahat ng flights. Delikado din daw mag-road trip,” lahad ng bokalista ng banda na si Chito Miranda sa caption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.