Rocco may bonggang surprise sa misis, may pa-birthday greet mula sa Korean idols

Rocco may bonggang surprise sa misis, may pa-birthday greet mula sa Korean idols

PHOTO: Screengrab from Instagram/@nacinorocco

ANG bongga ng birthday surprise ni Rocco Nacino para sa kanyang misis na si Melissa Gohing!

Bukod kasi sa Korea trip, nagkaroon pa siya ng video greeting mula sa ilang sikat na Korean stars kabilang na sina Song Joong-ki, Park Seo-joon, at Yim Siwan.

“Dahil kaarawan mo ngayon Melissa, ipapamigay kita sa mga mahal mo sa buhay,” birong caption ng aktor sa isang Instagram post na tampok ang compilation video.

Wika pa niya sa IG, “Thank you Park Seo-joon, Yim Siwan and Song Joong-ki for your time and making [one] special fan smile with your birthday greeting!”

Baka Bet Mo: Rocco ibinuking ang reaksyon ng asawa nang sabihing makakatrabaho uli si Lovi

Tuwang-tuwa naman diyan si Melissa at sey niya sa comment section, “This surprise is hard to beat love. You really made my K-drama heart really happy.”

“Akala ko ‘yung Korea Trip lang gift mo. May pa extra special surprise ka pa,” saad pa niya.

Ani pa ng asawa ni Rocco, “I love you, Mi Amor. I know you really went out of your way just to get their greetings. Thank you!” 

PHOTO: Screengrab from Instagram/@nacinorocco

Kung matatandaan nitong buwan lamang nang dumalo ang aktor sa Busan International Festival (BIFF) sa South Korea at diyan niya na-meet in-person ang ilang bigating Korean idols kagaya nina Song Joong Ki, Ji Chang Wook, Park Seo Joon, Kim Si Wan, Yoon Kyung-ho at Jung Jinyoung ng K-Pop boy band na B1A4.

Naroon siya sa prestihyosong event upang i-represent ang pinagbibidahang pelikula ni Direk Brillante Mendoza na pinamagatang “Motherland.”

Inilaban kasi ito sa Jiseok category na inilaan para sa mga established Asian filmmaker na may tatlo o higit pang tampok na pelikula.

Sa latest IG post naman ni Melissa, lubos ang kanyang pasasalamat sa kanyang birthday.

“Another chance to love and be loved. To be able to breathe and live is a blessing,” sambit niya.

Mensahe niya pa, “Special thanks to my hubby [and] son who made my day extra special. Ang daming surprises! Love you guys!”

Noong January 2021 nang ikinasal sina Rocco at Melissa, at October 2022 naman nang magkaroon sila ng anak na si Ezren.

Read more...