Sam loyal Kapamilya pa rin, muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

Sam loyal Kapamilya pa rin, muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

Sam Milby

PINATUNAYAN ng hunk actor-singer na si Sam Milby ang kanyang loyalty sa ABS-CBN matapos muling pumirma ng exclusive contract.

Isa si Sam sa mga celebrities na nag-sign ng panibagong kontrata sa Kapamilya Network na dinaluhan din ng mga top executives ng ABS-CBN.

Sabi ni Sam, napakalaki ng utang na loob niya sa lahat ng bossing ng network at mga nakasama sa trabaho na tumulong at sumuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

“I wouldn’t be where I am kung ‘di dahil sa guidance ng mga managements ko and I wanna give a big thank you because I think these people don’t get enough credit, ‘yung mga tao na bumubuo sa mga projects, the production,” pahayag ni Sam.

“They are working so hard, they are the first to get there, the last to leave, they need more credit and I just want to thank you guys for working so hard because I’ve made so many TV shows and movies kahit sa music.

Baka Bet Mo: Sam Milby inatake ng type 2 diabetes, inakalang super healthy ang body

“And I’m just so thankful for all the hard work na ginagawa ng lahat ng tao,” dugtong ni Sam.

“To my directors, of course, and my co-actors, maraming-maraming salamat, I’m so excited to still be here, a forever Kapamilya,” pasalamat pa niya.

Nagbigay din ng mensahe kay Sam ang kanyang sister na si Ada Milby, Direk Cathy Garcia-Sampana, John Prats, Enchong Dee, Sancho delas Alas, KZ Tandingan at Julia Montes.

“Congratulations, Sam. Another milestone sa iyong career, signing with our Kapamilya. Siguro looking forward kami sa mga ibabahagi mo pa sa ating mga Kapamilya,” pahayag ni Julia.

Unang nakilala si Sam bilang housemate sa unang season ng “Pinoy Big Brother” at mula noon ay lumaki na nang lumaki ang kanyang pangalan.

Huling napanood si Sam sa Kapamilya series na “A Family Affair” noong 2022 at very soon ay bibida uli siya sa Philippine adaptation ng international series na “Saving Grace” kasama sina Julia at Sharon Cuneta.

Read more...