Heart naka-move on na sa dating glam team, hirit niya: ‘Ceasefire na!’

Heart naka-move on na sa dating glam team, hirit niya: ‘Ceasefire na!’

PHOTO: Instagram/@iamhearte

INAMIN ng fashion icon na si Heart Evangelista na naka-move on na siya mula sa naging isyu nila ng dating glam team.

Hanggang ngayon ay hindi pa malinaw ang dahilan, pero nagkaroon ng falling out si Heart sa makeup artist na si Justin Louise Soriano at hairstylist na si Jeck Aguilar dahil sa chikang pangit daw na ugali at hindi magandang pagtrato ng fashion icon sa grupo.

Bukod dito ay nabalita ring ginamit at sinagad ang credit card limit ni Heart nina Justin at Jeck para sa personal nilang pangangailangan.

Anyway, sa naging interview niya sa programang “24 Oras,” sinabi ni Heart na isinantabi na niya ang kontrobersiya.

“I don’t hate anyone because I believe in love. You know, I truly believe in love and…for me, being vulnerable, for me being angry is because I just love very passionately and I would like to fight for everybody in my life,” sey niya.

Baka Bet Mo: Hugot ni Heart: Hindi nasusukat ang worth ng tao sa ‘likes & ratings’

Pag-amin pa niya, “Siguro ganito nalang ‘yun kasi mababaliw ako kakaisip.”

“Ang tatandaan ko nalang is ‘yung mga taong minahal ko ‘nung mga time na ‘yun. Hindi ko iisipin kung ano talaga sila or ano sila ngayon,” patuloy ng aktres.

Lahad pa niya, “Hindi ko binabasa kung ano nasasabi online but I will try to cherish the times that I though mahal nila ako.”

“I have to slowly unlove people and that’s painful for me,” aniya pa.

Nang tanungin ulit siya about sa ongoing na alitan sa pagitan nila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

“[Nagkaroon] pa nga siya ng hashtag dati na ‘Heart made me do it,’ so I was very touched. But I truly wish her the best. Sana maging okay siya and sana hindi niya maranasan ‘yung mga naranasan ko sa nakaraan,” sambit ni Heart kay Pia.

Dagdag pa ng fashion icon, “Sana suportahan nalang nila…parang let’s stay on my lane, let everybody just do their thing and huwag na silang magaway-away. Nakakasakit pa kayo lalo. Nangyari na ‘yung nangyari, ayan na siya. So from here, let’s just move on.”

Magugunitang diretsahang sinagot ni Heart ang tanong sa kanya ng ilang entertainment press kung totoo bang may namamagitang hindi maganda sa pagitan nila ni Pia tulad ng kumakalat sa social media.

“Woman to woman, I never had a problem with Pia. In fact, I was one of those who cheered for her in the past. And I like to think that it was the same for her,” paglilinaw ng aktres.

“She was so sweet enough to even use and post the hashtag ‘Heart Made Me Do It’ and at the time, I was so touched.

“But, it’s the people that she chose to surround herself with for specific reasons that makes this whole thing problematic,” paliwanag ni Heart.

“So, if I have a message to Pia it would be, congratulations! You have what you needed, I wish you nothing but the best and good luck.

“Sana, sana! Hindi mangyari sa ‘yo ‘yung nangyari sa akin. Yun lang siguro ang gusto kong sabihin,” paalala pa ni Heart.

Read more...