Chelsea Manalo umariba na sa Miss Universe journey, dumating na sa LA

Chelsea Manalo umariba na sa Miss Universe journey, dumating na sa LA

PHOTO: Instagram/@themissuniverseph

DUMATING na sa Los Angeles, California ang ating pambato na si Chelsea Manalo bilang paghahanda niya sa inaabangang Miss Universe competition!

Ang balita na ‘yan ay ibinandera ng Miss Universe Philippines (MUPH) organization, kalakip ang litrato ng Pinay beauty queen na nasa LA airport.

“Chelsea Manalo, glowing and energized, has landed in style in the City of Angels where she will be staying for a few days before heading off to the 73rd Miss Universe competition in Mexico,” saad sa caption.

Wika pa, “With the MUPH and EmpirePH teams by her side, this is the start of her journey to the crown.”

Baka Bet Mo: Chelsea aprub kay Pia bilang bagong Miss Universe PH: Deserving winner!

Magugunita noong Lunes, October 21, nang lumipad patungo sa United States si Chelsea.

Ang mensahe pa nga niya sa mga kababayan natin: “Maraming maraming salamat kasi you made it happen for me to be there in Mexico, so sana tulungan niyo ako to get that crown.”

“Sana hanggang sa maiuwi ko ang crown here, hindi tayo mawalan pa rin ng pag-asa,” sey pa niya sa interview with GMA News Online at humiling na muli siyang ipagdasal at tulungang makarating sa finals ng international pageant sa pamamagitan ng pagboto, lalo na sa kanyang “Voice for Change” entry.

Aabot sa 120 delegates ang makakalaban ni Chelsea upang makuha ang korona mula sa reigning Miss Universe na si Sheynnis Palacios.

Siya kaya ang mag-uuwi ng titulo for this edition?

Kung matatandaan apat na Pinay beauty queens na ang nagwawagi sa Miss Universe at kabilang na riyan sina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Ang grand coronation ng Miss Universe 2024 ay mangyayari sa Mexico sa November 17, oras ng Pilipinas.

Kung matatandaan, noong Mayo lamang nang makuha ni Chelsea ang titulong Miss Universe Philippines 2024.

Gumawa siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino-Black American candidate na nagwagi ng national title.

Read more...